Pinoy survivors sa Turkey quake nananawagan ng tulong | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pinoy survivors sa Turkey quake nananawagan ng tulong

Pinoy survivors sa Turkey quake nananawagan ng tulong

ABS-CBN News

Clipboard

MANILA - Nakipagsiksikan sa kubol kasama ang asawang Turkish at pamilya sa gitna ng zero degree temperature ang Pinay na si Caroline Cengiz.

Isa si Cengiz sa mga biktima nang tumama ang magnitude 7.8 na lindol sa South Central Turkey na malapit sa Syria border.

Bumagsak ang unang palapag ng gusaling tinitirhan nila sa Hatay province.

Ang pangunahing kailangan nila ngayon: kumot, heater, tent, tubig at pagkain.

ADVERTISEMENT

"Nasa labas natutulog 'yung mga kasamahan namin. Sobrang lamig," ayon kay Cengiz.

Ayon sa Philippine Embassy sa Ankara, nasa 248 ang mga Pilipinong nasa apektadong rehiyon, pero sarado ang mga paliparan at maraming daan ang napinsala kaya inaalam pa kung paano mahahatiran ng tulong ang mga Pinoy.

Dalawang Pinoy din ang naiulat na nasaktan.

"'Yung area kinordon muna ng Turkish government so we're trying to see pag may go-signal na puwede tayong pumunta. We intend to go there physically. So we're plotting ano 'yung puwede naming ruta na pumunta sa kanila," ani Ambassador Maria Elena Algabre.

Ayon naman sa Filipino community sa Hatay, dalawang kababayan ang patuloy na pinaghahanap.

"Hinahanap pa namin 'yung bahay niya po, pinuntahan po namin, kahapon po namin siya pinuntahan doon, 'yung bahay po kasi na ano siya na bumagsak, tapos hindi po namin siya makontak, 'yung mga bayaw niya rin dito kasi 'yung asawa niya," anang pinuno ng Filipino community sa Hatay Province na si Maricel Miguel.

Ayon kay Miguel, ipinarating na niya ang sitwasyon sa embahada ng Pilipinas.

Hinihikayat naman ang mga Pilipino na tumawag sa mga numerong ipinaskil ng embahada sa kanilang Facebook page para maipaalam ang kanilang kalagayan at lokasyon.

-- Ulat ni Zen Hernandez, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.