Carnapper na may pellet gun, timbog sa Makati | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Carnapper na may pellet gun, timbog sa Makati

Carnapper na may pellet gun, timbog sa Makati

ABS-CBN News

 | 

Updated Aug 07, 2019 12:50 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Arestado ang isang lalaki sa Makati City matapos magnakaw ng motorsiklo at gumamit ng pellet gun bilang panakot sa mga biktima.

Nahuli ng Makati police sa isang checkpoint ang suspek na si Romnick Madriaga kamakailan matapos itong makuhanan ng CCTV sa Barangay Rizal na nangholdap ng mga lalaking naka-motorsiklo.

Nakuha kay Madriaga ang baril na ginamit niya sa panghoholdap na natuklasan na isa pa lang pellet gun.

Sa kuha ng CCTV, tinutukan ng baril ni Madriaga ang dalawang lalaking may-ari ng motorsiklo bago niya tuluyang tinangay ang behikulo.

ADVERTISEMENT

Nababahala naman ang Makati police dahil hindi ito ang unang beses na pellet gun ang ginamit sa panghoholdap.

"Kasi hindi natin mapansin kung totoo o pekeng (baril) 'yan eh pero the moment na itutok mo sa tao 'yan, siyempre, matatakot 'yong tao," ani Chief Inspector Roman Salazar.

Nakikipag-ugnayan ang pulisya sa mga barangay para ma-kontrol ang paggamit ng pellet gun sa lungsod.

Nabawi rin ang motor na ninakaw ni Madriaga pero nakabaklas na ang mga bahagi nito at kinalas ang karamihan sa mga piyesa.

Nahulihan rin ang suspek ng dalawang sachet ng hinihinalang shabu.

Aminado ang suspek na pinambili niya ng droga ang P4,000 kita mula sa pagbebenta ng mga bahagi ng motor.

Nahaharap sa kasong robbery holdup at possession of illegal drugs si Madriaga.

-- Ulat ni Raffy Santos, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.