TINGNAN: Quiboloy, 2 iba pa nasa 'most wanted' list ng FBI | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

TINGNAN: Quiboloy, 2 iba pa nasa 'most wanted' list ng FBI

TINGNAN: Quiboloy, 2 iba pa nasa 'most wanted' list ng FBI

ABS-CBN News

 | 

Updated Feb 05, 2022 06:29 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA - Isa na sa "most wanted" sa America ang pinuno ng Kingdom of Jesus Christ at religious adviser ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Apollo Quiboloy dahil sa kinahaharap niyang sex trafficking charges at pagpuslit ng salapi sa Estados Unidos.

"Apollo Carreon Quiboloy, the founder of a Philippines-based church, is wanted for his alleged participation in a labor trafficking scheme that brought church members to the United States, via fraudulently obtained visas, and forced the members to solicit donations for a bogus charity, donations that actually were used to finance church operations and the lavish lifestyles of its leader," sabi ng Federal Bureau of Investigation (FBI).

Ayon sa poster na inilabas ng tanggapan, ito ay kaugnay sa umano'y labor trafficking scheme kung saan dinala sa America ang mga miyembro ng simbahan gamit ang pekeng visa.

Puwersahan din umano silang pinakalap ng donasyon para sa pekeng charity, pero ginamitumano para pondohan ang operasyon ng kanilang simbahan at ang magarbong pamumuhay ng mga pinuno nito.

ADVERTISEMENT

"Members who proved successful at soliciting for the church allegedly were forced to enter into sham marriages or obtain fraudulent student visas to continue soliciting in the United States year-round," anang FBI.

Puwersahan din umanong isinangkot sa mga pekeng kasal ang ibang miyembro o kinuhanan ng pekeng student visa para maipagpatuloy ang pangangalap ng donasyon.

May mga babae rin umanong ni-recruit para maging personal assistant ni Quiboloy, kung saan sila raw ang naghahanda ng kaniyang pagkain kapag nasa Amerika ang pastor.

Bukod dito, nagmamasahe at nakikipagtalik sa kaniya ang mga pastoral bilang bahagi umano ng tinatawag nilang "night duty."

Nobyembre 2021 nang kasuhan si Quiboloy at ang iba pang opisyal ng simbahan ng mga kasong may kaugnayan sa sex trafficking, bulk cash smuggling, at iba pang krimen.

Naglabas din sila ng arrest warrant para kay Quiboloy, pero pinabulaanan ng kaniyang abogado ang paratang.

Bukod kay Quiboloy, nasa "most wanted" list din ang 2 babaeng opisyal ng simbahan na sina Teresita Dandan at Helen Panilag na kasama umano sa pangre-recruit ng mga biktima.

Dahil nasa most-wanted list na ng FBI, inaasahan na rin na hihilingin ng Estados Unidos na i-extradite si Quiboloy.

Pero ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, wala pang natatanggap na request ang Justice Department mula sa gobyerno ng US para hulihin at isuko sa kanila si Quiboloy.

Nakatakdang magbigay ng kanialng panig ang mga abogado ni Quiboloy sa isang press conference, sabi ni Dr. Marlon Rosete, presidente ng Sonshine Media Network International, ang kumpanyang pagmamay-ari ng Kingdom of Jesus Christ at ni Quiboloy.

Dati nang naharang si Quiboloy sa Honolulu Airport dahil sa 350,000 dolyar na nakatago sa mga medyas sa loob ng maleta.

Kasama si Quiboloy sa mga pasahero sa eroplano pero nakauwi siya lulan ng commercial flight.

Ang Hawaii church manager na si Felina Salinas ang nahatulan noong Oktubre 2020 ng 30 araw na pagkakabilanggo.

Huling namataan si Quiboloy sa compound ng kaniyang simbahan sa Davao noong Martes habang ineendorso ang tandem nina dating Sen. Bongbong Marcos at Davao City Mayor SAra Duterte.

-- Ulat ni Mike Navallo, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.