Mga provincial bus sa Lucena City balik operasyon sa Peb. 8 | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga provincial bus sa Lucena City balik operasyon sa Peb. 8

ABS-CBN News
Published Feb 04, 2021 03:36 PM PHT

LUCENA CITY - Papayagan nang muling makabiyahe ang dalawang provincial bus lines sa lungsod simula Lunes, Peb. 8, matapos ang suspensyon dahil sa pagiingat laban sa COVID-19.

Mag-uumpisa na muli ang operasyon ng Lucena Lines Inc. at JAC Liner matapos na mabigyan ng pahintulot ni Lucena City Mayor Roderick Dondon Alcala.

Dumaan muna sa masusing konsultasyon ang plano, kasama ang rekomendasyong mahigpit na pagpapatupad ng health at safety protocols sa mga bus.

Para mapanatili ang kaligtasan ng lahat, maglalagay ng foot bath at mayroon ding body temperature check, alcohol, plastic barrier at contact tracing form bago makasakay.

ADVERTISEMENT
Ayon sa Public Information Office ng Lucena, gusto ng alkalde na mahigpit na maipatupad ang health protocols, at ang pagpapatuloy ng biyahe ng provincial buses ay nakadepende pa rin sa magiging kaso ng COViD-19 sa lungsod.

Tanging mga pasaherong nasa edad 15 hanggang 65 taong gulang lamang ang papayagang makasakay. Hindi rin maaaring lumagpas sa seating capacity ang bus.

Sa ngayon, biyaheng Lucena-Biñan lang ang mayroong ruta, kasunod ang ruta na Biñan-Ayala sa Makati at pabalik.

Alas-5 ng umaga ang first trip na manggagaling sa Lucena City papuntang Biñan City at ang last trip naman ay alas-7 ng gabi.
Ang first trip mula sa Biñan City patungong Lucena City ay alas-5 ng umaga at alas-5 ng hapon ang last trip.

Miyerkoles nang makapagtala ng kabuuang 1,536 na kaso ng COVID-19 ang Lucena City kung saan 52 ang active cases, 55 ang namatay, habang 1,429 ang gumaling na sa sakit.

- Ulat ni Andrew Bernardo
RELATED VIDEO:
Read More:
Transportation
provincial buses
Lucena City
bus to Lucena
bus to Lucena quarantine
Tagalog news
Regional news
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT