Karera ng bangka, idinaos sa ilog sa QC

ABS-CBN News

Posted at Feb 04 2018 05:14 PM

MANILA - Idinaos ang isang karera ng bangka sa San Francisco River sa Bgry. Damayan sa Quezon City bilang bahagi ng ika-3 taon na pagdiriwang ng Pedrista Festival ngayong Linggo. 

Layon ng palaro na maituro sa mga residente ang kahalagahan ng pagpapanatili sa kalinisan ng naturang ilog na nasa gitna ng lungsod.

Umapela ang kagawad na si Bernardo Mesin sa mga residente ng Barangay Damayan na tigilan na ang pagtatapon ng basura sa San Francisco River. 

"Lahat ng basurang itinatapon sa atin sa ilog, bumabalik at the time ng baha. Hirap na hirap kami," ani Mesin sa panayam ng DZMM.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.