12 sugatan sa banggaan ng jeep at kotse sa Quezon Ave | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
12 sugatan sa banggaan ng jeep at kotse sa Quezon Ave

Jeffrey Hernaez,
DZMM
Published Feb 04, 2017 09:21 PM PHT

Umabot na sa 12 katao ang naitalang sugatan sa banggaan ng pampasaherong jeep at kotse nitong Sabado ng umaga sa kahabaan ng Quezon Avenue sa Quezon City.

Ayon sa driver ng jeep na si Ernesto Daguit, kasalukuyang pa-U-turn siya nang biglang banggain ito ng kulay gray na Ford Fiesta na may plate number na WQS 104 na minamaneho ng isang Jacob Palana.

“Nung natauhan ako, nakita ko yung jeep ko, wasak na yung jeep ko, at yung mga pasahero, sugatan. Bumaba ako, hinanap ko yung asawa ko, nakaipit sa ilalim ng jeep. Siya ho unang hinanap ko,” sabi ni Daguit.

Wasak na wasak ang likurang bahagi ng jeep ni Daguit habang yupi naman ang harapan ng kotse sa lakas ng pagkakabangga.

Agad na dinala sa pagamutan ang mga sugatang pasahero. Isa sa mga nadaganan at napailalim sa nawasak na jeep ay ang mismong asawa ni Daguit.

“Nagulat po ako dahil nasa ilalim na po ako nung mamulatan ako . . . nakadagan po sa akin. Nagpatulong siya sa mga tambay. Hinila na lang po niya ang paa ko kasi po nakadagan po sa ilalim. Ang grabe po yung isang katabi ko, yung duguan ang ulo. Mabuti po yung ulo ko, naingat ko,” sabi ng misis ni Daguit.

Ayon pa kay Daguit, may ilang nakapagsabi sa kanya na dalawang sasakyan ang umanoy nagkakarera nang bigla bumangga ang isa sa likurang bahagi ng kanyang jeep.

Patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang awtoridad hinggil sa aksident.