Negosyante binaril ng holdaper sa Aklan | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Negosyante binaril ng holdaper sa Aklan

Negosyante binaril ng holdaper sa Aklan

ABS-CBN News

Clipboard

Hinoldap ng isang hindi pa nakikilalang salarin ang isang water refilling station sa Kalibo, Aklan noong Pebrero 2, 2021. Retrato mula sa Kalibo police

Sugatan ang isang negosyante sa Kalibo, Aklan matapos umanong barilin ng isang holdaper noong gabi ng Martes.

Bandang alas-7:40 ng gabi nang pasukin ng isang hindi pa nakikilalang lalaki ang establisimyentong pag-aari ni Eduard Alvarez, 50, ayon sa imbestigasyon ng pulisya.

Nagdeklara umano ng holdap ang lalaki at nang pinadadapa ang biktima, bigla na lang pumutok ang baril nito.

Natamaan sa tiyan at kanang braso ng biktima, na agad dinala sa ospital.

ADVERTISEMENT

Naging kritikal ang lagay ni Alvarez pero kalauna'y naging stable din.

Patuloy namang inaalam ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng salaring tumakas sakay ng motorsiklo.

-- Ulat ni Rolen Escaniel

RELATED VIDEO:

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

ad