Mga sundalong nasugatan sa operasyon sa Sulu, binigyan ng medalya | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga sundalong nasugatan sa operasyon sa Sulu, binigyan ng medalya

Mga sundalong nasugatan sa operasyon sa Sulu, binigyan ng medalya

Chrisel Almonia,

ABS-CBN News

Clipboard

ZAMBOANGA CITY -- Kasalukuyang nagpapagaling sa isang pribadong ospital sa lungsod na ito at sa Camp General Navarro Hospital ang ilang sundalong nasugatan sa engkwentro laban sa Abu Sayyaf Group sa Patikul, Sulu.

Ayon kay Colonel Gerry Besana ng Western Mindanao Command, mismong si Lieutenant General Arnel Dela Vega ang nagbigay ng mga medalya sa mga nasugatan.

Walo ang dinala sa Zamboanga City, habang 10 iba pa ang nasa Sulu.

"Medyong tinututukan natin 'yung nasa Zamboanga City Medical Center. Kailangan talaga niyang ma-operahan, mabigyan agad ng medical attention," paliwanag ni Besana.

ADVERTISEMENT

Maliban sa mga sugatan, dinala rin sa Zamboanga City ang limang sundalong namatay sa engkwentro.

"'Yung mga patay inaayos na sila upang maihatid na sa kani-kanilang pamilya," ani Besana.

Patuloy ang ginagawang pagtugis ng militar sa mga bandidong grupo sa Sulu sa mga oras na ito.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.