10 timbog sa buy-bust sa Bacoor; sunog na bahay ginawang 'puwestuhan' | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
10 timbog sa buy-bust sa Bacoor; sunog na bahay ginawang 'puwestuhan'

ABS-CBN News
Published Feb 03, 2019 03:25 PM PHT

Arestado ang 10 tao sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Bacoor City, Cavite noong Lunes.

Sa video ng mga pulis, makikitang nauwi pa sa sigawan at takbuhan ang drug ops sa Barangay Niog II matapos magpulasan ang 10 drug suspect na naabutan sa loob at labas ng bahay ng pangunahing target na si Manolito Latada.

Ayon sa mga pulis, kilalang tulak sa lugar si Latada na ginagawang front umano ang kaniyang sari-sari store.

"Nang magkaroon ng puhunan, pinasok na niya ang pagbebenta ng droga," ani Superintendent Vicente Cabatingan, hepe ng Bacoor City police.

Ang nasunog na bahay sa tabi ng tindahan ni Latada ang ginagawa umanong "puwestuhan" o drug den ng mga user na parokyano niya.

Sa pader nito, nakasulat pa ang presyo ng droga at ilang paalala sa pagbabatak. Nagkalat din dito ang ilang gamit ng foil.

Pero todo tanggi sa pagkakasangkot sa krimen ang mga nahuli.

"Gumagamit po pero di po talaga sa akin 'yun. Hinagis lang po 'yun sa bahay eh," giit ni Latada.

Laking pasasalamat naman ng mga residenteng gaya ni alyas "Patricia" sa pagkakaaresto sa 10 dahil naging tahimik na raw sa kanilang barangay.

Kulong ang mga suspek na nahaharap sa reklamong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.—Ulat ni Bianca Dava, ABS-CBN News