Mga pananim na bawang sa Ilocos Norte nasisira dahil sa lamig | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga pananim na bawang sa Ilocos Norte nasisira dahil sa lamig

ABS-CBN News
Published Feb 01, 2019 06:12 PM PHT

Dahil sa lamig, nasisira na umano na ang pananim na bawang sa Badoc, Ilocos Norte.

Ito umano ay dahil sa matinding hamog na nangyayari tuwing madaling araw, na nakakasira sa mga pananim.

Bukod sa lamig, umaatake rin ang mga peste tulad ng purple blotch at fungi na nakakasira sa mga bawang.

Paliwanag ni Leonora Escarda, na isang agriculturist, apektado ng mismong ayos ng mga bawang ang kanilang mga ugat, na nagreresulta umano sa paninilaw ng mga dahon nito.

ADVERTISEMENT
Sa tala ng Badoc Agricultural office, 144 ektarya lamang ang natatamnan ng bawang ngayong 2019, na mas mababa sa 150 ektarya noong nakaraang taon.

Apektado raw ang 60 porsiyento ng mga tanim na bawang dahil sa lamig. Kung hindi raw ito maagapan ay maaaring makaapekto ito sa suplay ng bawang sa mga susunod na buwan.

Ang lalawigan ang pangunahing pinanggagalingan ng bawang sa buong bansa, na umaabot sa 6,000 tonelada kada taon.

-- Ulat ni Ria Galiste, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT