Mga nasugatan sa pagsabog sa laundry shop sa Maynila, umabot sa 16 | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga nasugatan sa pagsabog sa laundry shop sa Maynila, umabot sa 16

Mga nasugatan sa pagsabog sa laundry shop sa Maynila, umabot sa 16

ABS-CBN News

 | 

Updated Jan 31, 2023 07:45 PM PHT

Clipboard

CCTV footage mula sa Barangay 709
Nagkaroon ng pagsabog sa isang laundry shop sa Malate, Maynila, Enero 30, 2023. CCTV footage mula sa Barangay 709

Umabot sa 16 ang bilang ng mga nasugatan sa nangyaring pagsabog sa isang laundry shop sa Malate, Maynila noong gabi ng Lunes, ayon sa pulisya.

Ayon sa Manila Police District (MPD), dinala ang mga nasugatan sa Philippine General Hospital (PGH), Ospital ng Maynila at Adventist Medical Center Manila.

Ayon kay Cosme Villaflor, barangay tanod na biktima ng pagsabog, humingi ng tulong ang katiwala ng gusali sa barangay dahil nakarinig ito ng pagsingaw mula sa liquefied petroleum gas (LPG) na nakakabit sa dryer.

Habang pinipihit umano ng kasamahan ni Villaflor ang LPG ay bigla itong sumabog.

ADVERTISEMENT

"Palabas na kami, biglang sumabog. Ang lakas! Halos nagtalsikan kami... bale 5 kaming nasa loob [ng gusali]," ani Villaflor.

Nagtamo ng paso sa binti at tama sa pisngi si Villaflor habang kritikal sa ospital ang isa niyang kasamahan.

Watch more News on iWantTFC

Matapos ang pagsabog, nagkalat ang mga basag na salamin at nawasak ang pader ng laundry shop.

Nadamay sa pagsabog ang mga katabing establisimyento at may mga na-trap sa bilyaran sa ikalawang palapag ng gusali.

Nasugatan din umano ang ilang estudyante sa kalapit na unibersidad na kumakain sa katabing restaurant ng laundry shop.

Bandang hapon ng Lunes nang mai-deliver sa shop ang LPG tank at hinala ng mga tauhan ng Barangay 708 ay hindi maayos ang pagkakabit nito.

"Nasilip natin na bandang sulok ng laundry shop, parang kusina yung pinanggalingan ng explosion," ani MPD Director Brig. Gen. Andre Dizon.

Sa isang pahayag, sinabi ng De La Salle University na nabigyan agad ng first aid at medical attention ang kanilang mga estudyanteng biktima ng pagsabog.

Umaapela naman ng tulong ang kaanak ng mga biktimang naka-confine ngayon sa PGH.

"Unang-una po nanawagan ako sa may-ari ng laundry shop. Pati na rin po 'yong sa may-ari ng kompanya... na in-order-an nila [ng LPG]. Kasi sila pong 2 ang may kapabayaan nito," sabi ni Jambel Aguinsatan, kaanak ng biktima.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad para matukoy ang sanhi ng pagsabog at kung ano ang magiging pananagutan ng may-ari ng naturang laundry shop.

— Ulat ni Karen de Guzman, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.