2 barkong sumadsad sa Balayan Bay sa Batangas nagdudulot na ng panganib | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
2 barkong sumadsad sa Balayan Bay sa Batangas nagdudulot na ng panganib

Dennis Datu,
ABS-CBN News
Published Jan 31, 2023 02:33 PM PHT
|
Updated Jan 31, 2023 07:39 PM PHT

BATANGAS — Pinangangambahang magdulot ng trahedya sa komunidad ng Barangay Palikpikan sa bayan ng Balayan, Batangas ang 2 barkong sumadsad sa Balayan Bay kapag hindi agad ito naalis.

Sa reklamo ng mga residente, 2 bahay na ang nasira dahil sa pagkakasadsad ng mga bulk carrier na MV Hanako at MT Ocean Queen 9 ng Amparo Shipping Lines.

Unti-unti na ring natitibag ang shoreline dahil nawala na ang natural flow ng alon dahil sa mga nakaharang na barko, ayon kay Batangas Coast Guard Station Commander Capt. Vic Acosta.

Noong Oktubre 26, 2020 pa sumadsad ang mga nasabing barko dahil sa bagyong Quinta.

ADVERTISEMENT
Ayon sa residenteng si Evelyn Banaguas, nasira na ang bahay ng kaniyang anak dahil sa barko.

"'Yung ho barko, noong wala hindi ho basta nagigiba ang bahay ng aking anak doon sa dulo, ngayon ho ng dumating ang barko dyan ang lupa nakakalkal na ho," hinaing ni Banaguas.

Sabi ni Acosta, isang "disaster waiting to happen" sa komunidad kapag hindi naalis ang barko dahil unti-unti na itong lumalapit sa pampang.

Halos hindi na umano makatulog ang mga residente sa lugar lalo na kapag masama ang panahon dahil sa takot na baka sumalpok sa kanilang mga bahay ang 2 barko.

"Sana po sa lalong madaling panahon ay matanggal na po sana yan, maaksyonan na agad para mawala na rin po yung kaba namin na kapag may bagyo halos hindi kami nakakatulog kasi binabantatyan naming baka yung barko umusod nang umusod, mawawasak mga bahay namin," pahayag ng residenteng si Richel Mifuel.

Apektado na rin umano ang mga mangingisda.

"Ang laki na ng napeperwisyo. Actually may mga bangka na ngang napalubog ang barkong 'yan, hindi namin alam kung bakit hanggang ngayon walang nagagawang aksyon diyan eh bagyong Quinta pa 'yan," sabi ng may-ari ng bangka na si Ayen Quiños.

Nagharap-harap sa ipinatawag na pulong ng Batangas Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office ang Batangas Coast Guard, may-ari ng Amparo Shipping Lines, Salvor operator, mga opisyales ng Balayan MDRRMO, Barangay Palikpikan officials at mga apektadong residente.

Sa pulong, napagkasunduan na hahatakin na ng salvor operator ang 2 barko. Binigyan ng Batangas PDRRMO at Batangas Coast Guard ng 15 araw ang may-ari ng barko para mahatak sa safe anchorage ang 2 barko.

Ayon kay Alberto Platino, CEO at pangulo ng salvor operator na Pencon8 Salvage Corporation, may kasunduan na sila ng may-ari ng barko pero ang problema, hindi pa aniya siya binabayaran kaya hindi pa masimulan ang paghatak sa mga sumadsad na barko.

"Ang hinihingi po naming una mataas na diesel sa tugboat, 'yung 1.5 million sir, kailangan mag-down sila ng 50 percent. Ang problema? Walang pera," ani ng salvor operator.

Kung hindi pa maaalis sa ibinigay nilang takdang panahon ang mga nasabing barko na higit 2 taon nang nakasadsad, sabi ni Acosta, ang Philippine Coast Guard mismo ang hahatak nito at mahaharap sa patong-patong na kaso at multa ang mga may-ari ng barko.

"Automatic po ngayon once na tinow 'yan is ipapa-detain namin 'yan, kung maaari po ma-file din sila ng criminal case," banta ni Acosta.

Hiniling naman ng mga residente na nasira ang mga bahay na bayaran sila ng may-ari ng barko.