Ilang pasyente naturukan ng 'pekeng' bakuna vs rabies | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Ilang pasyente naturukan ng 'pekeng' bakuna vs rabies

ABS-CBN News
Published Jan 30, 2019 06:20 PM PHT

Ibinunyag ng isang ospital sa Pasig City na nakatanggap sila ng mga counterfeit o pekeng bakuna kontra rabies na itinurok nila sa mga pasyente noong nakaraang taon.

Ayon sa The Medical City, mabilis silang nakipag-ugnayan sa Department of Health (DOH) at Food and Drug Administration (FDA) para ipa-test ang mga batch ng counterfeit na bakuna.

Nai-quarantine na rin nila ang mga ito at direkta na raw silang kumukuha ng rabies vaccine sa manufacturer na Zuellig Pharma.

Base sa kanilang pagsusuri, nanatiling sterile o malinis ang counterfeit na bakuna.

ADVERTISEMENT
"The worst thing that can happen kung ang pasyente ay nakagat ng hayop, is walang effect 'yung vaccine. Walang bisa. But that does not excuse the government... Tine-test na sila (mga pasyenteng naturukan) para malaman ang strength ng vaccine," paliwanag ni The Medical City President at Chief Executive Officer Dr. Eugenio Jose Ramos.

Isa sa mga nangangamba si alyas "Celine." Kuwento niya, noong isang taon pa siya nabakunahan pero nito lang Martes, nakatanggap siya ng liham mula sa The Medical City na nadiskubreng counterfeit ang gamot na naiturok sa kaniya.

"Kinakabahan ako kasi hindi ko alam ang potency ng vaccine na tinurok sa akin," aniya.

Noong Disyembre, una nang naglabas ng advisory ang FDA kontra sa kumakalat na counterfeit rabies vaccine.

"[There are] ongoing operations and investigations sa pagtukoy ng source ng counterfeit vaccines. Importante ay hindi lumawak pa ang distribution," ani FDA Legal Services Officer in Charge Atty. Michelle Lapuz.

Mahaharap din aniya sa sari-saring kaso ang mga dawit at nagpabaya sa pagkalat ng mga pekeng bakuna.

"Admin and criminal cases [may be filed]. Everyone who is involved. Kung may negligence 'yung manufacturer... Alam mo na dapat may ginawa ka pero di mo ginawa," ayon kay Lapuz.

Bukod sa The Medical City, sinabi ng DOH na may isa pang ospital kung saan na-distribute ang counterfeit na bakuna.

Siniguro naman ang DOH at FDA sa publiko na walang dapat ikatakot.

Bagkus, dapat maging mas mapagmatiyag para maisiwalat ang ilang nanamantala sa kakulangan ng rabies vaccine at nagbebenta ng hindi rehistradong bakuna.

—Ulat ni Raphael Bosano, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT