Dagdag-kaltas sa SSS umarangkada na; ilang trabahador umaangal | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Dagdag-kaltas sa SSS umarangkada na; ilang trabahador umaangal

Dagdag-kaltas sa SSS umarangkada na; ilang trabahador umaangal

ABS-CBN News

 | 

Updated Jan 29, 2021 10:53 PM PHT

Clipboard

Mark Demayo, ABS-CBN News/File

MAYNILA – Lumaki na ang kaltas sa suweldo ng mga manggagawa dahil umarangkada na ang dagdag-kontribusyon ng Social Security System (SSS) sa kabila ng mga panukalang batas na ipagpaliban muna ito dahil sa hirap na dulot ng pandemya.

Mas mataas sa minimum, halimbawa, ang suweldo ni Jerry Podol bilang waiter sa restaurant ng isang hotel sa Quezon City.

Pero sa payslip niya ngayong payday, lagpas P250 na lang ang natira sa dami ng kaltas at bayad utang.

Isa sa napansing lumaki ni Podol ang kaltas ay sa SSS contribution, na mula P700 ay naging P900 na.

ADVERTISEMENT

Watch more in iWantv or TFC.tv

Kaya para sa labor group na Defend Jobs Philippines, kailangang intindihin ang hirap ng buhay ng mga manggagawa na kulang na kulang na nga ang naiuuwi sa pamilya, lalakihan pa ang kaltas.

Dapat aniyang may gawin ang gobyerno dahil sa kabila ng mga panukalang batas sa Kamara at Senado na magpapatigil sa dagdag-kontribusyon, itinuloy pa rin ito ng SSS.

Paliwanag naman ng SSS, kailangan ang dagdag-hulog dahil maraming programa ang inilunsad na walang inilaang pondo o "unfunded liabilities" gaya ng P1,000 dagdag-pensiyon, expanded maternity benefit, at unemployment benefit.

Inamin ng SSS na may reserba pa silang P500 bilyon pero nakatabi ito para sa mga susunod na magreretiro at investments pero puwede itong kulangin kalaunan.

Kung ipatitigil ang dagdag kontribusyon, matitigil din anila ang bagong savings program ng mga miyembro.

–Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.