Paano masasabing 'nuisance' ang isang gustong tumakbo sa halalan? | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Paano masasabing 'nuisance' ang isang gustong tumakbo sa halalan?

ABS-CBN News
Published Jan 29, 2019 12:10 PM PHT
|
Updated Jan 29, 2019 12:19 PM PHT

Paano masasabing "nuisance candidate" o panggulo ang isang kandidatong tatakbo sa halalan?

Iyan ang tinalakay sa "Usapang de Campanilla" ng radyo DZMM nitong Lunes.

Ayon kay Atty. Noel Del Prado, maituturing na "nuisance candidate" ang isang nais tumakbo sa halalan kung mapapatunayan ng mga nagpepetisyon o ng Commission on Elections (Comelec) na "nanggugulo" lang ang naturang kandidato..

Sa ilalim kasi ng Section 69 ng Omnibus Election Code, masasabi ng Comelec na "nuisance" ang isang kandidato kung mapapatunayang "hindi seryoso" ang kaniyang paghahain ng kandidatura.

ADVERTISEMENT
Halimbawa umano rito ang ilang tumatakbo na may kaparehang apelyido sa kilalang politiko at nagpapakilala bilang kaanak nito kahit hindi totoo.

"Ibig sabihin nakikita 'yun sa mga gawain na sabi natin [ay] pangungutya ng mismong sistema ng eleksiyon [at] maghasik ng kalituhan sa mga kandidato," ani Del Prado.

Maaari din daw gamitin ng Comelec ang mga naging desisyon ng Korte Suprema (Supreme Court) sa mga nagpetisyon laban dito.

Bagaman nakalagay sa Saligang Batas na may karapatan ang lahat na manilbihan sa gobyerno, iginiit ni Del Prado na may limitasyon ito at maituturing lamang na pribilehiyo umano ang pagkakatakbo sa halalan.

"Lahat ng tao ay may karapatang manilbihan sa gobyerno. Pero ang karapatang ito ay hindi naman absolute, meron itong limitasyon," ani Del Prado.

"Ito ay hindi talaga karapatan kung hindi pribilehiyo," dagdag niya.

Ito umano ang naging batayan ng naging desisyon ng Korte Suprema sa kasong Timbol vs. Comelec noong 2015, kung saan iginiit umano ng isang Joseph Timbol na may karapatan siyang tumakbo bilang miyembro ng Sangguniang Panglungsod sa Caloocan City.

Walang magiging parusa sa mga nuisance candidates at hindi lamang masasama ang kanilang pangalan sa balota sa halalan.

Pero ayon kay Del Prado, kung naideklara nang nuisance candidate ang isang tao at naimprenta na ang kaniyang pangalan sa balota, maituturing nang "stray vote" o ligaw na boto ang mga botong nakuha niya sa eleksiyon.

Noong 2018, ipinasa ang isang panukala sa Senado na layong parusahan ang mga "nuisance candidates."

Read More:
PatrolPH
Tagalog News
DZMM
Usapang de Campanilla
Batas Kaalaman
batas
election laws
Halalan 2019
nuisance candidates
Election Code
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT