Menor de edad, patay matapos bumangga sa isang baka sa Palawan | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Menor de edad, patay matapos bumangga sa isang baka sa Palawan

Lynette dela Cruz,
ABS-CBN News
Published Jan 28, 2020 06:17 PM PHT

BATARAZA, Palawan – Patay ang isang 17-anyos na estudyante matapos bumangga ang kanyang minamanehong motorsiklo sa isang baka sa Barangay Ocayan sa bayan na ito nitong Linggo.

Namatay din ang baka na nabangga.
Namatay din ang baka na nabangga.
Ayon sa pulisya, pasado alas 6 ng umaga nang bumabaybay ang estudyante at ang kasama niyang angkas sa isang highway sa Ocayan patungong Brgy. Rio Tuba, nang biglang tumawid ang baka.

Bumangga ang estudyante sa hayop at nawalan siya ng kontrol sa motorsiklo.

ADVERTISEMENT
“'Yung mga alaga po ng ating mga kababayan ay talagang itali po nila at huwag po nilang hayaan na makalabas po ito ng kanilang mga bakuran o makawala po sa tali, sapagkat ito po ay talagang pupunta, most especially, sa mga kalsada po ano. Sapagkat maghahanap po ito ng makakainan o talagang maglalakad-lakad po ito,” ani Police Capt. Ric Ramos ng Palawan Provincial Police Office.

Nagtamo ng mga sugat sa katawan ang mga biktima na isinugod naman agad sa ospital sa Rio Tuba. Pero hindi na umabot nang buhay ang estudyante.

Nagpapagaling naman ang kasama ng estudyante.

Ayon sa pulisya, nagkasundo ang may-ari ng baka at pamilya ng mga sakay ng motorsiklo na aregluhin na lang ang kaso.

Pero sa mga ganitong pagkakataon, ayon sa pulisya, nakasaad sa Article 2183 ng New Civil Code of the Philippines na ang may ari ng hayop ang may pananagutan, at maituturing na may kapabayaan kapag may kinasangkutan ang alaga, maliban na lamang kung ang perwisyo ay dulot ng force majeure, o kaya naman ay may pagkukulang ang taong nasaktan.

Read More:
Regional news
Tagalog news
Bataraza
Palawan
baka
cow
motorcycle accident
aksidente
estudyante
student
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT