Nasa 200 pamilya, apektado ng 2 sunog sa Quezon City | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Nasa 200 pamilya, apektado ng 2 sunog sa Quezon City

Nasa 200 pamilya, apektado ng 2 sunog sa Quezon City

ABS-CBN News

 | 

Updated Jan 29, 2019 08:47 AM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA - (2nd UPDATE) Nasa 200 pamilya ang apektado sa 2 sunog sa Quezon City sa magdamag.

Unang sumiklab ang sunog sa Barangay Talayan pasado alas-10 Lunes ng gabi.

Tinupok ang nasa 60 bahay na gawa sa light materials. Wala namang naiulat na nasaktan sa insidente.

Hinala ng ilang residente, naiwang gasera sa isang bahay na walang kuryente ang dahilan ng pagsiklab ng apoy.

ADVERTISEMENT

Tinataya ng mga awtoridad na nasa 100 pamilya ang nawalan ng tirahan.

Samantala, nasunog naman ang nasa 50 bahay at negosyo sa kanto ng IBP Road at Litex Road sa Barangay Commonwealth.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, sumiklab ang apoy alas-4 Martes ng madaling-araw at agad iniakyat sa ikatlong alarma.

Mabilis na kumalat ang apoy sa mga katabing bahay na pawang gawa sa light materials.

Naapula ang sunog matapos ang 2 oras. Iniimbestigahan pa ng mga bombero ang sanhi ng sunog.

Pansamantala munang dadalhin sa covered court ang nasa 100 apektadong pamilya. -- may ulat nina Jervis Manahan, Jeffrey Hernaez, at Lyza Aquino, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.