SM MOA, itinalagang 'no-fly zone' para sa Miss Universe pageant | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
SM MOA, itinalagang 'no-fly zone' para sa Miss Universe pageant

Zhander Cayabyab,
DZMM
Published Jan 28, 2017 12:17 PM PHT

Bilang bahagi ng ipatutupad na security measures para sa Miss Universe coronation sa Lunes, naglabas ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ng notice to airmen na nagdedeklarang “no-fly zone” ang SM Mall of Asia (MOA) Arena.

Nakasaad sa mensahe na simula Linggo, alas-11 ng umaga, hanggang Lunes, ala-1 ng hapon, bawal ang pagpapalipad ng helicopter at drone sa 1 kilometrong radius ng arena, mula sa surface o ground level, hanggang sa taas na 3,000 feet.

Dagdag pa ni Eric Apolonio, tagapagsalita ng CAAP, maaaring lang lumipad sa ibabaw ng SM MOA ang mga eroplano sa taas na mahigit sa 3,000 feet.

Pero malimit umano ay hindi sa lugar ng SM MOA ang lipad ng mga eroplanong pumupunta at nagmumula sa Ninoy Aquino Internationa Airport (NAIA). Sa Sucat, Paranaque ang daan umano ng mga ito.

ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT