Kuha ng Atimonan LGU PIO
Nasawi ang isang bedridden na senior citizen na babae nang masunog ang kaniyang bahay sa Atimonan, Quezon nitong Huwebes ng gabi.
Ayon sa report ng Atimonan Police, nag-iisa sa bahay niya sa Brgy. Tagbakin ang biktima nang sumiklab ang sunog dakong alas 8:50 ng gabi.
Nagresponde ang mga tauhan ng Atimonan Bureau of Fire Protection subalit mabilis na kumalat ang apoy dahil gawa sa light materials ang ilang bahagi ng bahay.
Pati mga kapitbahay at mga bystander ay tumulong na rin at naghakot ng balde-balde ng mga tubig mula sa isang katabing gas station upang maisalba ang biktima.
Makaraan ang nasa 40 minuto, naapula ang apoy at idineklarang fire under control dakong alas 9:30 ng gabi.
Subalit nakita na lang ang sunog na labi ng lola sa kanyang kinahihigaan.
Inaalam pa ng mga awtoridad ang pinagsimulan ng sunog.—Ulat ni Ronilo Dagos
MULA SA ARKIBO
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.