Chinese vessel sinaklolohan ng Coast Guard sa Eastern Samar | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Chinese vessel sinaklolohan ng Coast Guard sa Eastern Samar

Chinese vessel sinaklolohan ng Coast Guard sa Eastern Samar

ABS-CBN News

Clipboard

TACLOBAN, Leyte—Nakarating sa Tacloban ang isang nasagip Chinese vessel na FV KAI DA 899, Biyernes ng hapon.

Ni-rescue ng Philippine Coast Guard sa Suluan Island sa Guiuan, Eastern Samar ang sasakyang pandagat na may lulan na Chinese crew members.

Ayon sa Coast Guard, alas 2:09 ng hapon nitong Huwebes nang makatanggap sila ng tawag na nagpapa-rescue ang Chinese vessel dahil nagkaroon ito ng sira.

Pero sa ngayon, hindi pa matukoy ng Coast Guard kung ano ang naging problema ng sasakyang pandagat.

ADVERTISEMENT

Problema kasi ang komunikasyon dahil hindi magkaintindihan ang mga Chinese national at awtoridad, kaya nagdala na ng interpreter ang mga awtoridad.

Nasuri na ng mga taga-Bureau of Quarantine ang mga Chinese national ang temperatura nila at nakitang normal naman ang nga ito.

Pero ayon sa Coast Guard, walang naipakitang mga kaukulang dokumento ng paglalayag ang mga dayuhan.

Wala din itong maipakita pruweba na bakunado sila laban sa COVID-19 pero iginiit ng mga ito na bakunado sila. Wala ring nakitang bandila ng China sa barko.

Ayon kay Lt. Commander Ramil Montemar, hepe ng Coast Guard Station Eastern Leyte-Tacloban, ang una nilang natanggap na impormasyon, isa itong fishing vessel.

Pero wala umano silang nakitang kahit anong palatandaan na ito ay ginagamit sa pangingisda.

Paglilinaw niya, iimbestigahan pa nila ito dahil maaari din namang ito ay mother ship.

Dagdag ni Montemar, bilang miyembro ng international community ng civilized maritime nations, responsibilidad nilang tumulong kahit sa mga dayuhan.—Ulat ni Sharon Evite

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.