Birthday party sa Baguio City binatikos; mayor dumalo rin | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Birthday party sa Baguio City binatikos; mayor dumalo rin

Birthday party sa Baguio City binatikos; mayor dumalo rin

ABS-CBN News

 | 

Updated Jan 27, 2021 09:53 PM PHT

Clipboard

Nangyari ang kontrobersiyal na party ni Tim Yap sa The Manor at Camp John Hay sa Baguio City, na dinaluhan ng iba't ibang celebrities. ABS-CBN News

MAYNILA – Pinagpipiyestahan ngayon sa social media ang mga retrato at video sa birthday party ng personalidad na si Tim Yap sa Baguio City, na ayon sa netizens ay "insensitive" at lumabag sa health protocols sa gitna ng pandemya.

Nangyari ang party sa The Manor at Camp John Hay sa Baguio City, na dinaluhan ng iba't ibang celebrities.

Ayon kay Yap, inorganisa niya ang "dinner" para i-promote ang local tourism ng Baguio City.

Bago aniya siya umakyat sa lungsod pati ang kanyang mga bisita,
tiniyak nilang negatibo ang resulta ng kanilang swab test.

ADVERTISEMENT

Giit pa ni Yap, sinunod nila ang lahat ng protocol at requirements ng LGU bago payagang makapasok sa lungsod.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Sa isyu naman ng nakita sa video na walang suot na face mask ang mga bisita, sinabi ni Yap na kakain na ang mga bisita noong mga panahong iyon.

Papunta na aniya sila sa buffet table at sakto namang lumabas ang mga community dancer kaya hindi na ulit naisuot ang face mask nang sumayaw ang mga ito.

Pagtitiyak ni Yap, hindi sya gagawa ng anumang makasasama o magdudulot ng peligro sa lahat, pati sa komunidad.

"It was never my intention to offend anyone. I would never do anything na makaka-endanger kahit sino man. Siguro nagkulang ako na paalalahanan na magsuot ng mask dahil may mga lumabas nga na retrato at videos na walang mask... All we want to do is to really help restart the economy and push for local tourism," sabi ni Yap.

Kinumpirma naman ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong na isa siya sa mga bisita ni Yap.

Kasama aniya ang kanyang asawa bilang pasasalamat sa tulong na
ginawa ni Yap at ng kanyang grupo.

Pumunta aniya ang grupo ni Yap sa isang art exhibit at marami silang nabiling painting na gawa ng mga local artist.

Ayon kay Magalong, sumusunod naman sa protocols ang mga guest pero dahil sa sobrang excitement, aminado ang alkaldeng may mga nagtatanggal ng mask lalo na tuwing picture taking, kabilang na ang kanyang misis.

"Nagkataon lang talaga na tao lang po tayo, na sometimes when we are just so engaged in one particular po na activity, na talagang masaya eh minsan nakakalimutan din ho natin [ang health protocols]," ani Magalong.

Sa ngayon ay nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Baguio LGU at Department of Tourism.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.