MRT umusok; nasa 600 pasahero, naglakad sa riles | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

MRT umusok; nasa 600 pasahero, naglakad sa riles

MRT umusok; nasa 600 pasahero, naglakad sa riles

ABS-CBN News

 | 

Updated Jul 25, 2019 05:59 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Umusok ang bahagi ng isang bagon ng MRT-3 kaya bumaba at naglakad sa riles ang nasa 600 pasahero nitong Biyernes, bandang 1:40 ng hapon.

Nagmula umano ang usok sa upuan ng mga pasahero ng tren na patungo sa Cubao Station mula Kamuning.

Nasa ilalim kasi ng upuan ang regulator ng tren o ang kumokontrol ng pasok ng kuryente sa sistema.

Ibinahagi pa ng Twitter user na si @iamludo ang video ng nasabing tren na huminto sa tapat ng Mega Q-Mart market.

ADVERTISEMENT

Dumating naman ang mga bumbero makaraan ang ilang minuto para apulahin ang usok ngunit nasakop nila ang dalawang lane sa EDSA na nagdulot ng pagbagal ng daloy ng trapiko sa lugar.

Samantala, tila prusisyon din sa ibabaw ng riles ng MRT ang nasa 600 na apektadong pasahero.

Pinilit pa umano ng mga pasahero na buksan ang pinto at maglakad sa riles nang makita ang usok.

Ibinalik na naman sa depot ang tren para ayusin at alamin kung bakit umusok ang regulator.

Aabutin ng tatlong araw bago magamit uli ang nasabing tren lalo na at basang-basa ang loob nito at kailangang kalasin.

Siniguro rin anila na ligtas ang tren bago iniakyat sa linya at posibleng sa biyahe na ito nagkaproblema.

Dahil sa insidente, mababawasan muli ang bilang ng mapapatakbong tren.

Ngayong Biyernes, alas-6 ng gabi, siyam na lang ang tumatakbong tren ng MRT at hindi rin umano nila matitiyak na hindi mauulit ang aberya o mababawasan pang muli ang bilang nito.

-- Ulat ni Jacque Manabat, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.