Inmates na nasa minimum at medium security compound ng Bilibid, planong ilipat sa mga probinsya | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Inmates na nasa minimum at medium security compound ng Bilibid, planong ilipat sa mga probinsya

Inmates na nasa minimum at medium security compound ng Bilibid, planong ilipat sa mga probinsya

Johnson Manabat,

ABS-CBN News

Clipboard

Nakakuha na ng go signal si Bureau of Corrections officer-in-charge Gregorio Catapang Jr. na mailipat sa mga penal colony sa mga probinsiya ang libo-libong persons deprived of liberty o PDLs mula sa minimum at medium security compound ng New Bilibid Prison sa Muntinlupa City.

Sa panayam kay Catapang matapos ang pakikipag-pulong kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, sinabi nito na target masimulan ang paglilipat sa mga bilanggo mula sa Bilibid ngayong taon, na bahagi aniya ng decongestion program sa bilibid at ng 5-year plan sa BuCor.

"Ito 'yung pinaplano namin na magiging legacy ng ating mahal na pangulo. Within the 6-year term malilipat na natin lahat 'yung mga PDL sa New Bilibid Prison sa mga regional penal colonies.

"Magsisimula ako this year, makakapaglipat na ako ng almost 7, 500. Kasi ngayon ang concept kada isang kulungan na sementado — iyong may tower o wall — 2,500 na lang. Bawal na 'yung nangyari sa New Bilibid na 6,000 lang ang kaya, [pero] inabot ng 18,000. Ang allowed lang doon sa compound ng maximum, 2,500; mayroon ka ring medium [kung saan] ang allowed [ay] 2,500. Doon sa minimum, 2,500 lang din,” sabi ni Catapang.

ADVERTISEMENT

Sa ngayon, tinatayang mayroong 50,000 PDLs o mga bilanggo sa lahat ng penal colonies na pinamamahalaan ng BuCor sa buong bansa, ayong kay Caapang.

Plano aniya ng BuCor na mula sa Bilibid, hahati-hatiin na ililipat ang mga bilanggo sa mga penal colonies sa Luzon, Visayas at Mindanao.

"'Yung minimum, lipat ko sa Fort Magsaysay… 'Yung medium, hati-hati — 2,500 sa Davao, 2,500 sa Palawan, 2,500 sa Leyte. Iba-barko ko sila... Ang mahirap diyan, paano mo ililipat 'yan from Muntinlupa papunta ng Davao, Palawan, tsaka Leyte. Makipag-coordinate pa sa Navy kung puwedeng isakay sa mga landing ship,” paliwanag ni Catapang.

Samantala, bagama't una nang sinabi ni Remulla na maaring ilang oras na lang ang bibilangin para sa appointment papers ni Catapang bilang permanenteng BuCor chief, walang naging kumpirmasyon mula mismo kay Catapang kung hawak na niya ang kanyang papel bilang permanenteng hepe ng BuCor.

“Hindi ko muna iniintindi 'yun kasi naka-focus ako sa trabaho. Whether acting o permanent, okay lang, trabaho lang tayo,” ani Catapang.

Samantala, matapos kumpiskahin mula sa ilang jail guards ng Bilibid nitong Enero 12 ang tinatayang nasa P300,000 na umano’y itinago sa mga locker ng mga empleyado ng BuCor, tiniyak ni Catapang ang pagpapatupad ng reporma sa proseso ng pagpapdala ng pera sa mga bilanggo sa Bilibid.

Nilinaw ni Catapang na nangyari ito sa panahon pa ng suspendidong BuCor chief na si Gerald Bantag. Iniimbestigahan na rin umano ang mga jail guards na sinasabing sangkot sa naturang anomalya.

"'Yung nahuli namin na jail guards, 'yung nagtatabi ng pera, 30 sila, reporting sila sa office ni DG (director general). Floating status muna sila for investigation. Matagal na 'yan, ngayon na lang namin nako-control," ani Catapang.

Tiniyak din ni Catapang na may mga susunod pang kaso na isasampa laban kay Bantag. Ayon kay Catapang, ayaw lang nilang madaliin ang pagsasampa ng mga kaso dahil sinasala nilang mabuti ang mga ebidensiya at reklamo na ihahain.

KAUGNAY NA ULAT

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.