2 patay sa pagbagsak ng military plane sa Bataan | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

2 patay sa pagbagsak ng military plane sa Bataan

2 patay sa pagbagsak ng military plane sa Bataan

ABS-CBN News

 | 

Updated Jan 25, 2023 09:04 PM PHT

Clipboard

Watch more News on iWantTFC

(UPDATE) Patay ang dalawang piloto ng Philippine Air Force (PAF) matapos bumagsak ngayong Miyerkoles ang sinasakyan nilang eroplano sa Pilar, Bataan.

Patuloy pang inaalam ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at PAF ang sanhi ng pagbagsak ng SF260 aircraft sa isang palayan sa Pilar pasado alas-10:40 ng umaga.

Ayon sa magsasakang nakakita sa pagbagsak, nagpagewang-gewang muna sa ere ang eroplano bago tuluyang bumagsak.

Ayon kay PAF spokesperson Col. Ma. Consuelo Castillo, sakay ng aircraft ang dalawang piloto na nagsasagawa ng training flight.

ADVERTISEMENT

Galing ang eroplano sa Major Danilo Atienza Air Base sa Sangley Point, Cavite, ani Castillo.

Nawalan umano ng komunikasyon ang PAF sa mga piloto bandang alas-10:30 ng umaga.

Mabilis na nai-report ang pagbagsak at nakahingi ng tulong ang mga residente sa mga awtoridad, pero pagdating ng mga rescue team ay wala nang buhay ang mga piloto.

Sa ngayon, grounded muna ang pagpapalipad ng iba pang SF260 aircraft ng PAF habang nagsasagawa ng imbestigasyon sa insidente.

Ang nasabing eroplano ay nagsisilbing aerobatic basic trainer aircraft at light attack combat aircraft ng PAF. Dati na rin itong nagamit sa Marawi siege at iba pang combat mission.

Ayon naman kay AFP Chief Gen. Andres Centino, nakahanda silang magbigay ng tulong at suporta sa pamilya ng mga nasawing piloto.

Dinala na sa isang punerarya sa Pilar ang labi ng mga nasawi.

Wala namang ibang nasaktan o nadamay sa insidente.

--Ulat nina Bianca Dava, ABS-CBN News at Rod Izon

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.