Marcos Jr. ipinapanukala ang hiwalay na bus, tren sa unvaccinated | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Marcos Jr. ipinapanukala ang hiwalay na bus, tren sa unvaccinated

Marcos Jr. ipinapanukala ang hiwalay na bus, tren sa unvaccinated

Joyce Balancio,

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA - Pabor si Presidential aspirant at dating senador Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. sa ipinatutupad na “No vaccination, no ride” policy ng gobyerno kung saan hindi maaaring makasakay ng mga pampublikong transportasyon ang mga hindi pa bakunado kontra sa COVID-19.

“Iyong no vax no ride, in principle, mukhang tama iyon kasi iniisip mo na iyong kung ayaw magpabakuna that is the risk they take, and that is their right to take that risk, that is an assumed risk,” sabi ni Marcos sa naganap na DZRH interview ngayong Martes ng hapon.

Aniya, hindi maaaring pwersahin ang kahit sino na magpabakuna kontra sa COVID-19, pero dapat harapin din nito ang ano mang kahihinantan ng kanilang desisyon.

Pabor man sa “No vax, no ride”, nakikita ni Marcos na problemado ang implementasyon nito.

ADVERTISEMENT

“In practice parang hindi masyado effective, dahil ang daming exemption, ang daming required na documents, hindi naman kaya ng kundoktor sa bus pati pulis hindi alam kung ano iyong hahanapin na dokumento. So we have to find another way to separate the vaccinated and non-vaccinated,” sabi niya.

Dahil dito ipinapanukala niyang sa halip na hindi pasakayin sa pampublikong transportasyon, bigyan na lang sila ng hiwalay na masasakyan.

“Iniisip ko baka iyong sa bus, mayroong non-vaxxed na bus. Iyong mga hindi bakunado dito kayo sasakay. Kung ayaw mo talaga magpa-vaccinate, eh dito kayo sumakay. Yong vaccinate dito kayo para mas madali,” paliwanag ni Marcos.

Samantala, aminado naman siyang nakukulangan siya sa naging pagtugon ng Duterte administration sa COVID-19 pandemic, lalo na aniya noong nagsisimula palang kumalat ang virus sa bansa.

“Kapag ganoong crisis we should never be satisfied, we should do better,” aniya

“Ang naging disconnect sa ating COVID response ay una noong 2020, ang pinag-uusapan, wala pang vaccine noon ay test, trace and treat. Hindi tayo masyado nakapagtest, kaya hindi nalalaman kung saan ang pinakamabibigat, kung gaano saan ang may pinakamararaming kaso, gaano kabilis ang infection rate,” sabi ni Marcos.

“Iyong trace hindi tayo agad nakabuo ng national contact trace system. Ang LGU gumawa, pero doon lang sa area nila,” dagdag pa niya.

Sabi ni Marcos na dapat ipagpatuloy lang ang pagbabakuna sa COVID-19 at sana mas mapabilis pa ito para mas maraming Pilipino ang makatanggap ng proteksyon laban sa virus.

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.