7 arestado sa drug ops sa Cavite, Maynila | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

7 arestado sa drug ops sa Cavite, Maynila

7 arestado sa drug ops sa Cavite, Maynila

Lady Vicencio,

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Pito ang arestado sa magkakahiwalay na anti-illegal drugs operation ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Cavite at Maynila, sabi ngayong Lunes ng mga awtoridad.

Sa Bacoor City, nag-ugat ang buy-bust operation sa sumbong ng concerned citizen na ginagamit umanong drug den ang isang bahay sa Barangay San Nicolas Uno.

Naaresto sa operasyon ang 2 suspek gayundin ang 4 na lalaking bumisita umano sa drug den, na pawang mga residente ng barangay.

Nasa P82,000 halaga ng hininalang shabu at ilang drug paraphernalia ang nakumpiska ng mga operatiba.

ADVERTISEMENT

Sa Tondo, Maynila, arestado rin ang isang lalaking manggagawa sa pier matapos umanong makuhanan ng 35 pakete ng hinihinalang shabu.

Nasa P170,000 umano ang halaga ng nakumpiskang droga.

Kakasuhan ang mga suspek ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.