Babaeng dawit sa 'test drive' modus, pamumugot sa kasambahay timbog | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Babaeng dawit sa 'test drive' modus, pamumugot sa kasambahay timbog

ABS-CBN News
Published Jan 24, 2019 06:14 PM PHT
|
Updated Jan 24, 2019 09:10 PM PHT

Inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang babaeng umano'y namemeke ng mga dokumento para sa paupahang bahay.

Pero lingid sa kaalaman ng marami, nadawit na noon ang suspek sa pamumugot sa kaniyang kasambahay at sa pagtangay ng luxury cars mula mula sa mga seller.

Sa isang entrapment operation ay natimbog ang suspek na si Aleli Yap matapos magpanggap na broker ng isang paupahang bahay sa Ayala, Alabang.

Lumalabas na peke ang hawak nitong titulo, at ibang pangalan din ang kaniyang ginamit.

ADVERTISEMENT
Dimampot si Yap at dinala sa opisina ng NBI.

Kuwento ng biktimang si alyas "Michelle," nakapag-downpayment na siya ng P200,000 kay Yap at humingi pa raw ito ng P2.6 milyon.

Pero inabisuhan daw siya ng isang kaibigan na si Yap pala ay dawit sa maraming kaso.

"That is my problem, I am easy to trust. I didn't know that she was a criminal," ani Michelle.

IBA PANG KASO
Bukod sa kinasasangkutan ngayong pamemeke ng titulo, nadawit si Yap noong 2017 sa pagkamatay ng kaniyang kasambahay na si Richelle Sagang, 17.

Natagpuan ang bangkay ni Sagang na pugot sa Sta. Maria Bulacan at makalipas ang dalawang araw ay nakita ang ulo nito sa isang creek sa Makati.

Oktubre 2018 naman nang inireklamo si Yap sa pagtangay sa ilang luxury vehicles matapos ipaalam na ite-test drive muna niya ito bago bilhin.

Nagkatensiyon naman sa NBI nang tumanggi ang abogado ni Yap na kuhanan siya ng mugshot at itinatago pa ang kaniyang tunay na pangalan.

Iniimbestigahan ng NBI kung may iba pang posibleng naging biktima si Yap.

"Kung mapanood ito ng iba pang mga nabiktima din, maaring pumunta kayo rito para makapag-file ng reklamo," ani Atty. Emeterio Dongallo, hepe ng NBI Special Action Unit.

Kakasuhan si Yap ng kasong estafa at falsification of documents.

—Ulat ni Niko Baua, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
pamumugot
test drive modus
Aleli Yap
modus
luxury cars
NBI
kasambahay
TV Patrol
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT