MODUS: Babae tumatangay ng luxury cars matapos 'mag-test drive' | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
MODUS: Babae tumatangay ng luxury cars matapos 'mag-test drive'

ABS-CBN News
Published Oct 12, 2018 06:41 PM PHT
|
Updated Oct 12, 2018 10:26 PM PHT

Nagbabala ang National Bureau of Investigation (NBI) special action unit sa modus ng isang babaeng umano'y carnapper na ginagamit ang kaniyang "charm" para mag-test drive sabay nanakawin ang mga mamahaling sasakyan.

Agosto 26 ay nasapul sa CCTV ang pagpasok sa isang subdivision sa Ayala, Alabang ng Mercedes Benz-G Class at Toyota Land Cruiser.
Ite-test drive umano ito ng suspek na kinilalang si Aleli Yap at nakatakda raw niyang bilhin sa negosyanteng si alyas "Don."

Nagtiwala si Don, lalo't nakakita na rin siya noon ng mga mamahaling sasakyan sa bahay ni Yap.
Nangako raw ang babae na kinabukasan ay puwede nang kuhanin ni Don ang bayad pero nang sumunod na araw ay wala nang nadatnan sa bahay ang biktima.

Nalaman na lang niya na umuupa lang pala roon ang suspek.
Nalaman na lang niya na umuupa lang pala roon ang suspek.
ADVERTISEMENT
Nagsumbong sa NBI si Don at makalipas ang anim na linggo, natunton ng mga awtoridad ang mga sasakyan malapit sa isang casino.
Isinanla na pala ng suspek ang mga mamahaling sasakyan.

"Modus niya ginagamit niya ang charm, kung ano'ng gusto [ng kausap] 'yun 'yung pinapakita niya," ani Atty. Jun Dongallo, hepe ng NBI special action unit.

Sa follow-up operation ng NBI, narekober pa nila malapit sa parking ng isang casino ang apat pang mamahaling sasakyan na "na-test drive" umano ni Yap, kabilang ang isang Maserati na nagkakahalaga ng mahigit P20 milyon.
Nadiskubre ng NBI na si Yap din mismo ang nag-iwan doon ng mga nakaw na luxury vehicles.

"Iniwan niya doon malapit sa casino at hindi na binalikan pa," ani Dongallo.

Nitong Biyernes ay kinasuhan na ng carnapping si Yap habang mananatili muna sa kustodiya ng NBI ang mga mamahaling sasakyan.
Nanawagan din ang mga awtoridad sa mga may-ari nito na makipag-ugnayan sa kanilang special action unit.

—Ulat ni Zyann Ambrosio, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPh
Tagalog news
balita
krimen
carnapping
NBI
test drive
cars
luxury cars
National Bureau of Investigation
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT