9 bahay sa QC, nasunog; 3 sugatan | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

9 bahay sa QC, nasunog; 3 sugatan

9 bahay sa QC, nasunog; 3 sugatan

ABS-CBN News

 | 

Updated Jan 24, 2019 07:00 AM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA - (UPDATED) Nasunog ang 9 na bahay habang sugatan ang 3 katao sa Roxas District, Quezon City Huwebes ng madaling-araw.

Base sa imbestigasyon, nagsimula ang sunog sa lumang bahay ni Reynaldo Miguel sa Zinnia St. pasado alas-12:34 ng madaling-araw.

Kuwento ni Miguel, nagising nalang umano siya na nasusunog na ang kaniyang kuwarto. Sinubukan pa niyang patayin ang apoy sa pagbuhos ng tubig.

Mabilis na kumalat ang apoy sa katabing bahay at mga apartment na gawa sa mixed light at concrete materials.

ADVERTISEMENT

Dagdag ni Miguel, matagal nang walang koneksiyon ng kuryente ang kaniyang bahay. Kandila at solar panel nalang ang ginagamit nila.

Nagtamo naman ng first degree burn ang 3 tao na nakatira sa bahay ni Miguel.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), umabot sa ikalawang alarma ang sunog. Naapula ito makalipas ang 2 oras.

Tinatayang nasa P1.5 milyon ang halaga ng pinsala ng sunog. - ulat ni Anjo Bagaoisan at Fred Cipres, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.