Brgy. UP Campus itinangging may urban garden ang AFP sa kanilang lugar | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Brgy. UP Campus itinangging may urban garden ang AFP sa kanilang lugar

Wheng Hidalgo,
ABS-CBN News
Published Jan 23, 2021 10:14 PM PHT

Sa gitna ng mainit na isyu ng pagwawalang bisa ng accord sa pagitan ng University of the Philippines at Department of National Defense, itinanggi ng Barangay UP Campus na may urban garden ang AFP sa kanilang lugar.

Sa isang sulat, mariing itinanggi ni barangay chairman Zenaida Lectura na may urban garden project ang AFP sa kanilang sinasakupan. Ito ay sa gitna ng mainit na isyu ng pagpapawalang bisa ng 1989 UP-DND Accord kamakailan.

Bumisita raw ang ilang myembro ng AFP 7th Civil Relations Group noong Miyerkoles, January 20 para tingnan ang urban farming project sa Pook Amorsolo at Pook Arboretum.

Giit ni Lectura, matagal nang proyekto ng barangay ang urban farming at noong July 2020 ay lumapit sa kanila ang AFP Civil Military Service para sa kanilang kampanya sa urban farming kung saan magbibigay lang ng mga punla at buto ang AFP para sa taniman ng barangay sa Pook Arboretum.

Ito ay sa gitna ng quarantine noong nakaraang taon kung saan hinihikayat ang mga taga-Metro Manila na magtanim ng gulay sa kanilang bakuran.

Pinaunlakan naman ng Barangay UP Campus ang proyekto ng AFP at ang mga tauhan ng barangay ang nagtanim at nag-alaga ng mga ibinigay na pananim. Naaani na raw noon pa ang mga bunga ng mga ibinigay na pananim at napapakinabangan ng barangay nutrition program.

Ang pagbisita umano ng myembro ng AFP ay hindi dumaan sa maayos na koordinasyon at hindi nila alam kung bakit kailangan bisitahin ang mga pananim.

Abala ang barangay officials noong araw na iyon at isa lang ang humarap sa mga sundalo at napayagang pumasok sa Pook Arboretum. Hinihiling ng barangay na huwag gamitin ang proyekto para sa iba umanong agenda ng AFP.

Sa pakikipag-ugnayan ng news team sa AFP PIO, sinabi nilang wala pa silang impormasyon tungkol sa pagpunta ng ilang myembro nila sa Barangay UP Campus kaya wala silang maibigay na pahayag.

Makikipag-ugnayan pa raw sila sa 7th Civil Relations Group para alamin ang nangyari.

Read More:
UP Campus
barangay
AFP
garden
tanim
civil relations group
urban farming project
Tagalog news
PatrolPH
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT