Nasa 3,000 na iligal na troso, nasamsam sa Surigao del Sur | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Nasa 3,000 na iligal na troso, nasamsam sa Surigao del Sur

ABS-CBN News
Published Jan 23, 2019 03:30 PM PHT

CANTILAN, Surigao del Sur- Nasamsam sa loob ng dalawang pagawaan ng furniture nitong Miyerkoles ang humigit-kumulang 3,000 piraso ng putol na troso ng lauan, kamagong, yakal at iba pang ipinagbabawal na kahoy.

Nakuha ang mga piraso ng kahoy na gagamitin sana sa paggawa ng kasangkapan matapos pasukin ng mga awtoridad ang pagawaan sa bisa ng search warrant.

Kinumpiska ang ginagamit na chainsaw ng kumpanya at napag-alaman ding may mini-saw mill sa loob kung saan pinuputol ang mga kahoy.

Hinuli ng mga awtoridad ang mga may-ari ng furniture shop at mga operator ng chainsaw.
Hinuli ng mga awtoridad ang mga may-ari ng furniture shop at mga operator ng chainsaw.
ADVERTISEMENT
Ayon sa Department of Environment and Natural Resources Enforcement Division, ilang beses nang ipinasara ng kagawaran ang furniture shop pero nagpatuloy ito sa pag-ooperate kahit walang kaukulang permit.

Haharap sa paglabag sa Foresty Code of the Philippines at Republic Act 460 o ang iligal na pag-operate ng saw mills ang may-ari ng furniture shop.

Nagbabala ang DENR at ang Environmental Crimes Division ng National Bureau of Investigation sa Caraga na marami pa silang ikakasang operasyon para habulin ang mga lumalabag sa batas laban sa illegal logging.