Lalaking gumagawa ng baril sa Ilocos Norte, arestado | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Lalaking gumagawa ng baril sa Ilocos Norte, arestado

Lalaking gumagawa ng baril sa Ilocos Norte, arestado

Kim Lorenzo,

ABS-CBN News

Clipboard

Balik-kulungan ang magsasakang si Jimmy Salvacion matapos makuhanan ng iba’t-ibang kalibre ng baril sa kaniyang tahanan sa Barangay Ar-Arusip sa Badoc, Ilocos Norte Lunes ng umaga.

Ayon sa pulisya, gumagawa at nagkukumpuni ng baril si Salvacion.

Taong 2012 nang mahuli muli ito dahil sa parehong gawain.

“Nakapagpiyansa siya pero tinuloy tuloy pa rin niya ang pagiging gunsmith niya,” ani Senior Inspector Joseph Tayaban, hepe ng Badoc, Ilocos Norte Police.

ADVERTISEMENT

Ayon pa kay Tayaban, madalas na naire-report sa kanila si Salvacion dahil sa umano’y pagpapaputok nito ng baril.

“Na-report sa atin na isa raw siya sa mga nagpapaputok ng baril lalo na noong holiday season," aniya.

Nakuha sa bahay ni Salvacion ang isang caliber .38, M-16 rifle at converted caliber .22; mga bala, at iba't ibang gamit sa paggawa ng baril tulad ng bolt assembly at wooden bat.

Aminado naman si Salvacion na paminsan-minsan ay may mga parokyano siyang nagpapagawa ng baril.

“Sideline ko lang sir, hindi madalas," aniya.

Sasampahan ito ng reklamong illegal possession of firearms and ammunition.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.