'Diktadura,' Cha-cha, TRAIN law kinondena sa rally sa Mendiola | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Diktadura,' Cha-cha, TRAIN law kinondena sa rally sa Mendiola

'Diktadura,' Cha-cha, TRAIN law kinondena sa rally sa Mendiola

ABS-CBN News

 | 

Updated Jan 24, 2018 06:45 PM PHT

Clipboard

Daan-daang militante ang nagmarsa sa Mendiola ngayong Lunes, ika-31 anibersaryo ng Mendiola Massacre. Zhander Cayabyab, ABS-CBN News

MAYNILA - Nagmartsa patungong Mendiola ang mga miyembro ng iba't ibang militanteng grupo ngayong Lunes upang kondenahin ang ilang polisyang isinusulong ng administrasyong Duterte, katulad ng charter change at tax reform.

Itinaon ng mga militante ang protesta sa paggunita ng ika-31 anibersaryo ng Mendiola Massacre kung saan 13 magsasaka at manggagawang may hinaing sa gobyerno ang namatay sa marahas na dispersal ng puwersa ng estado.

Bitbit ng mga militante ang effigy na ito kung saan nakasulat na mga polisiyang isinusulong umano ng Duterte administration. Zhander Cayabyab, ABS-CBN News

Giit ng mga aktibista, higit 3 dekada na ang nakalilipas pero nananatili pa ring mahirap ang sitwasyon ng mga magsasakang Filipino dahil sa kawalan ng tunay na repormang agraryo mula sa gobyerno.

Binanatan din ng mga militanteng grupo ang panukalang charter change na layon anilang palawigin ang foreign ownership sa probisyong pang-ekonomiya ng Saligang Batas.

ADVERTISEMENT

Kinondena ng mga aktibista ang panukalang pag-amyenda sa probisyong pang-ekonomiya sa Saligang Batas. Zhander Cayabyab, ABS-CBN News

Kinondena rin ng mga nagprotesta ang tax reform na nagbawas ng buwis sa sahod ng mga empleyado pero nagtaas ng buwis sa langis; gayundin ang martial law sa Mindanao; ang umano'y namumuong diktadura; at ang anila'y extra-judicial killings.

Kabilang sa mga grupong lumahok sa rally sa Mendiola ang Kilusang Magsasaka ng Pilipinas, Bayan Muna, Pamapalakaya, Anakpawis, Gabriela, Sama-samang Artista para sa Kilusang Agraryo, at iba pa.

--ulat mula kay Zhander Cayabyab, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.