VCO inirekomenda ng DOST para sa mild, moderate COVID-19 symptoms | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

VCO inirekomenda ng DOST para sa mild, moderate COVID-19 symptoms

VCO inirekomenda ng DOST para sa mild, moderate COVID-19 symptoms

Michael Delizo,

ABS-CBN News

 | 

Updated Jan 21, 2022 05:35 PM PHT

Clipboard

MAYNILA - Inirekomenda na ng Department of Science and Technology (DOST) nitong Biyernes ang paggamit ng virgin coconut oil (VCO) para sa mga mild at moderate na sintomas ng COVID-19.

Sa isang media briefing, iprinisenta ni Science Secretary Fortunato de la Peña ang pag-aaral sa bisa ng VCO na isinagawa sa 57 pasyente sa Sta. Rosa, Laguna noong 2020 at 77 pasyente sa Valenzuela City noong 2021.

Lumabas sa pag-aaral na mas mabilis gumaling ang lagnat, ubo, sipon, pangangati ng lalamunan at iba pang sintomas ng mga pasyenteng uminom o naghalo ng VCO sa pagkain.

Gumaling sa ika-18 na araw ang mga pasyenteng naghalo ng VCO sa pagkain, habang sa ika-14 na araw naman gumaling mga direktang uminom nito.

ADVERTISEMENT

Sa ika-23 hanggang ika-26 araw naman gumaling ang mga hindi gumamit ng VCO.

"VCO can be an effective adjunct therapy in managing COVID-19 symptoms, whether mixed in nutritious meal or taken separately. Both VCO trials by DOST-FRNI confirmed that VCO hastens the resolution of COVID-19 signs and symptoms," paliwanag ni De la Peña.

Ayon sa mga eksperto, ligtas inumin o ihalo sa pagkain ang VCO para matulungang mapagaan ang pakiramdam ng may sakit. Hindi rin ito nagdudulot ng overdose.

Gayunman, nagpaalala si Dr. Jaime Montoya, executive director ng DOST-Philippine Council for Health Research and Development, na isa lamang itong adjunct therapy o karagdagan sa iba pang gamot.

"Baka kasi ang mangyari diyan eh, ‘Oo, ang VCO puwede na nating inumin so diyan na lang okay na ako.’ Hindi po. Hindi po namin sinasabi iyon. Ang sinasabi namin ay puwede niyong inumin iyan, maganda," ani Montoya.

ADVERTISEMENT

"Pero baka may kailangan pa kayong ibang inumin at ang makapasasabi niyan ay ang health professional, katulad ng mga doktor dahil sila po ang nakakaalam ng inyong kondisyon dahil ang kondisyon ng mga pasyente iba-iba," dagdag niya.

Maaari ring gumamit ng VCO ang mga walang COVID-19 bilang functional food o para mapalakas ang resistensya ng katawan, sabi ni Dr. Fabian Antonio Dayrit ng Ateneo De Manila University.

"You can take actually VCO while you have the symptoms and signs, but also, we’re also recommending that even though you don’t have the signs and symptoms, it’s actually safe to take VCO as a preventive modality of having infections," dagdag ni Dr. Imelda Angeles-Agdeppa ng DOST– Food and Nutrition Research Institute.

Gayunman, nilinaw ng DOST na hindi pa aprubado ng Food and Drug Administration (FDA) ang indikasyon na nagsasaad na partikular na magagamot ng VCO ang COVID-19, pero inihahanda na umano ang mga dokumento sa aplikasyon.

PANOORIN

Watch more in iWantv or TFC.tv

"Kasi ngayon ang VCO, functional food approved ‘yan ng FDA. Pero kung gusto nating maisama ‘yung indication na ‘may be used to relieve symptoms of mild and moderate COVID-19,’ kailangan pong mag-apply sila sa FDA," ani Science Undersecretary Dr. Rowena Cristina Guevara.

ADVERTISEMENT

Mahalaga rin umanong magpabakuna pa rin kontra COVID-19 para maiwasan ang sakit lalo pa’t hindi malinaw sa paga-aral na kayang tugonan ng VCO ang mga seryosong sintomas ng virus.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.