ALAMIN: Paano makakuha ng DOLE cash assistance para sa nawalan ng trabaho | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ALAMIN: Paano makakuha ng DOLE cash assistance para sa nawalan ng trabaho

ALAMIN: Paano makakuha ng DOLE cash assistance para sa nawalan ng trabaho

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA — Nasa 13,000 manggagawa ang natigil o nawalan ng trabaho sa unang 2 linggo ng Alert Level 3 sa Metro Manila at iba pang lugar dahil sa COVID-19 surge dulot ng omicron variant.

Sila ang target ayudahan ng P5,000 one-time ayuda ng Department of Labor and Employment (DOLE) na COVID Adjustment Measures Program (CAMP).

Sa Lunes mag-uumpisang tumanggap ng application ang DOLE online sa pamamagitan ng website na reports.dole.gov.ph .

Ayon sa guidelines, puwedeng magsumite ng kanya-kanyang aplikasyon ang mga manggagawa pero hinihikayat ang mga employer na sila na ang gumawa nito para sa lahat ng empleyado.

ADVERTISEMENT

Pasok din sa ayuda lahat ng uri ng worker.

"Regardless of the employment status po ng affected worker, be they regular, be they permanent, casual, contractual or even probationary isasama po natin. Meron din pong iba 'yung mga agency workers na hina-hire at 'yung company mismo ang nagiging principal, isama din po natin 'yung mga agency workers po natin," paliwanag ni DOLE Assistant Secretary Dominique Rubia-Tutay.

Kung employer ang mag-a-apply, kailangan ng temporary o permanent closure report para na rin makita kung nagsara ang establisimyento habang umiiral ang Alert Level 3.

Kailangan din ng payroll, logbook, employment contract, cash vouchers, o kahit na anong listahan ng mga sinasahurang manggagawa.

Kung indibidwal naman ang pag-apply ng empleyado, kailangan ng government ID, company ID at proof of unemployment gaya ng notice of termination o closure.

ADVERTISEMENT

Kung hindi ito makuha sa employer, puwedeng notarized affidavit na nagdedeklarang tinanggal siya sa trabaho.

Kung hirap mag-apply online, puwede ring magpunta sa DOLE field and regional offices para magpatulong.

Nasa 2 linggo ang processing ng mga dokumento at release ng cash assistance.

Hindi naman kasama sa ayuda ang mga government at foreign workers.

—Ulat ni Zen Hernandez, ABS-CBN News

Read More:

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.