Panukalang pagbaba sa edad ng pananagutan lusot sa komite ng Kamara | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Panukalang pagbaba sa edad ng pananagutan lusot sa komite ng Kamara

ABS-CBN News
Published Jan 21, 2019 01:02 PM PHT
|
Updated Jan 21, 2019 09:48 PM PHT

Inaprubahan sa House committee on justice ngayong Lunes ang panukalang batas na layong ibaba sa siyam na taong gulang ang minimum age of criminal liability.

Mula sa kasalukuyang 15 anyos, ibinababa ng House Bill No. 505 sa siyam na taong gulang ang edad ng bata na maaaring managot sa batas kapag siya ay nakagawa ng krimen.

JUST IN: House Committee on Justice approves bill lowering criminal age of responsibility from 15 years old to 9 years old | via @ZandroDZMM pic.twitter.com/AuE1bUv939
— ABS-CBN News (@ABSCBNNews) January 21, 2019

Nilinaw naman ni Mindoro Rep. Doy Leachon, chair ng House justice committee, na hindi ikukulong kasama ng mga ordinaryong preso ang mga mahuhuling bata.

Sa halip, ipapasok aniya ang mga ito sa mga reformative institution gaya ng Bahay Pag-asa na pinangangasiwaan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

"Let it be understood that with the present bill, we are not putting these children in jail but in reformative institutions to correct their ways and bring them back to the community," paliwanag ni Leachon.

Hindi rin daw tatawaging mga kriminal ang mga bata.

"They are not branded as criminals but children in conflict with law," ani Leachon.

"Reformative institutions do not punish individuals but instead, they were established to help the children to be integrated back to the community after they have committed criminal acts," aniya.

Mahaharap daw sa parusang reclusion perpetua ang mga taong mahuhuling nananamantala ng mga bata para gumawa ng krimen.

Sasailalim din sa intervention ang mga magulang ng mga batang mahuhuling lumalabag sa batas.

Kapag umabot ang bata sa edad 18 at hindi nagbago, doon lang daw siya isasama sa mga regular na preso sa bilangguan.

Kabilang sa mga dumalo sa pagdinig ng komite nitong Lunes si House Speaker Gloria Macapagal Arroyo, na nauna nang nagpahayag ng suporta para sa panukala.

Inihayag din ngayong Lunes ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Oscar Albayalde na pabor siyang ibaba sa siyam na taong gulang ang minimum age of criminal liability.

Pabata raw kasi nang pabata ang mga kabataang nasasangkot sa krimen tulad ng pagtutulak ng ilegal na droga, panggagahasa, at iba pa, ani Albayalde sa isang press briefing.

Ayon pa kay Albayalde, dapat ay mas mabigat ang parusa sa mga magulang na ibubuyo sa kriminalidad ang kanilang mga anak.

Isa naman sa nakikitang solusyon ng DSWD sa problema ng pagdami ng mga batang dawit sa krimen ay ang pagsagip sa mga kabataang palaboy-laboy sa lansangan.

Sa tinatayang higit 11,000 batang palaboy, 6,000 lang ang nasasagip o naisasailalim sa reach-out program kada taon, ayon sa DSWD.

Bagamat katuwang ng DSWD ang mga pamahalaang lokal sa pagsagip sa mga bata, mahirap umano silang hanapin at matunton dahil palipat-lipat ng lugar, ani Arnel Bautista, head ng DSWD Social Services.

Nakakaengganyo din daw sa mga bata na manatiling palaboy ang perang nakukuha nila sa panlilimos, ani Bautista.

Nakabinbin naman sa Senado ang isang panukalang batas na inihain ni Senate President Vicente "Tito" Sotto III na layong ibaba sa 13 anyos ang edad ng pananagutan mula 15 anyos.-- May ulat nina Zandro Ochona, RG Cruz, at Zhander Cayabyab, ABS-CBN News

Read More:
PatrolPH
Tagalog news
House of Representatives
Kamara
House Justice committee
minimum age of criminal liability
House Bill 505
Tito Sotto
Doy Leachon
Philippine National Police
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT