Bangsamoro plebiscite naitawid sa kabila ng gulo, natagpuang granada | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Bangsamoro plebiscite naitawid sa kabila ng gulo, natagpuang granada

ABS-CBN News
Published Jan 21, 2019 05:38 PM PHT
|
Updated Jan 21, 2019 10:06 PM PHT

COTABATO CITY (UPDATED) -- Tinawag na "matagumpay" ang plebisito para sa Bangsamoro Organic Law (BOL) nitong Lunes ng Commission on Elections (Comelec).

Ayon kay Comelec spokesperson Director James Jimenez, "very good" ang voter turnout o dami ng mga taong bumoto kung ipapasa ba o hindi ang panukalang batas na layong palawigin ang kapangyarihan ng mga Muslim sa Mindanao na pamahalaan ang kanilang rehiyon.

"I think on the whole, the elections were very successful," sabi ni Jimenez.

Ito ay sa kabila ng pambubulabog ng mga pagsabog, at pagkaantala na naransan sa ilang pinagdausan ng botohan.

ADVERTISEMENT
Sa Cotabato City, pinasabog ng mga pulis ang isang granadang natagpuan nitong umaga ng Lunes ng isang sari-sari store owner malapit sa polling center sa Barangay Rosary Heights 1.

"Akala ko kasi laruan, dinampot ko. Ipinakita ko sa kasamahan ko, 'granada iyan,'" sabi ng sari-sari store owner na si Mardy Magban.

Pero bago nito, niyanig na ng pagsabog ng granada ang Cotabato City noong gabi ng Linggo, bisperas ng plebisito.

Nangyari ang pagsabog sa bahay ni Judge Rosalito Rasalan sa Barangay Rosary Heights. Wala namang nasaktan sa insidente.

Posibleng hindi raw ito dahil sa plebisito kundi sa isang kasong hawak ni Rasalan, ayon sa Comelec.
Posibleng hindi raw ito dahil sa plebisito kundi sa isang kasong hawak ni Rasalan, ayon sa Comelec.
ADVERTISEMENT
Dahil sa pangamba, biglang umatras ang higit 60 guro bilang miyembro ng plebiscite committee o tagapangasiwa sa botohan. Pinalitan naman sila ng mga pulis.

Sa Cotabato Chinese Institute, nagmistulang rambol ang paghabol sa mga nabistong flying voter.

Isa sa mga flying voter ay umamin daw na siya ay menor de edad at inutusan lang na bumoto gamit ang isang pekeng ID.

"Itong mga ganitong insidente, it's all over the city. Ang dami-daming mga flying voters," sabi ni Cotabato Mayor Cynthia Guiani, na tutol na mapabilang ang pinamumunuan niyang lungsod sa Bangsamoro region.

Hindi rin nawala sa mga presinto ang mga nagreklamo na wala ang kanilang mga pangalan sa listahan ng mga botante ng Comelec.

Nagkagulo rin sa Cotabato Central Pilot School.

Nagpumilit makapasok ang mga botante sa lugar kahit nagsara ang botohan bandang alas-3 ng hapon. Kahit hindi poll watcher, gusto raw bantayan ng mga botante ang bilangan.

Kinausap ng militar ang mga ito at tiniyak na walang dayaang mangyayari sa loob ng eskuwelahan.

Magsisimula ang canvassing of votes alas-6 ng gabi.

Bukod sa Cotabato City, lumahok din sa plebisito ang mga residente mula sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) at Isabela City sa Basilan.

Naantala ng ilang oras ang pagsisimula ng botohan sa ilang lugar sa ARMM, partikular sa Lanao Del Sur, dahil hindi agad nadala sa mga voting center ang mga poll material.

Sa bayan ng Sultan Kudarat, Maguindanao, lumahok sa demokratikong proseso ng gobyerno sa kauna-unahang pagkakataong si Moro Islamic Liberation Front (MILF) Chairman Al Hajj Murad Ebrahim sa pagboto niya para sa BOL.

Kampante ang pinuno ng MILF na mananalo ang BOL sa plebisito.

"That BOL will be ratified," aniya.
"That BOL will be ratified," aniya.
Sa Basilan, natakot naman ang isang buntis na botante nang hablutin at punitin ng isang hindi pa nakikilalang tao ang kaniyang balota dahil bumoto siya ng non-inclusion ng Isabela City sa Bangsamoro.

Sa Pebrero 6 naman boboto ang mga taga-Lanao del Norte maliban sa Iligan City, anim na bayan sa North Cotabato, at iba pang mga lugar na nagpetisyon sa Comelec para makalahok sa plebisito.

Nauna nang sinabi ng Malacañang na umaasa si Pangulong Rodrigo Duterte na boboto ng "yes" ang mga residente at maipapasa ang BOL, na para sa pangulo ay magtatama sa "historical injustices" na naranasan ng mga Moro sa Mindanao.

-- Ulat nina Ron Gagalac at Lore Mae Andong, ABS-CBN news
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
Bangsamoro
Bangsamoro plebiscite
Bangsamoro Organic Law
Commission on Elections
Comelec
James Jimenez
Cotabato City
Autonomous Region in Muslim Mindanao
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT