ALAMIN: Ano ang dedesisyunan sa plebisito sa Bangsamoro Organic Law | ABS-CBN

HEADLINES:
|

ADVERTISEMENT

HEADLINES:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ALAMIN: Ano ang dedesisyunan sa plebisito sa Bangsamoro Organic Law

ALAMIN: Ano ang dedesisyunan sa plebisito sa Bangsamoro Organic Law

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Kasado na sa Enero 21 at Pebrero 6 ang plebisito para sa Bangsamoro Organic Law (BOL), ang batas na bubuo ng bagong gobyerno at rehiyon sa Bangsamoro.

Malalaman sa plebisito kung papabor ang mga taga-Bangsamoro sa bagong batas at kung ano-ano ang mga lugar na mapapabilang sa itatatag na Bangsamoro Autonomous Region.

Unang boboto sa Enero 21 ang mga residente ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM), Isabela City sa Basilan, at Cotabato City.

Sa Pebrero 6 naman ang mga taga-Lanao del Norte puwera Iligan City, anim na bayan sa North Cotabato, at iba pang mga lugar na nagpetisyon sa Commission on Elections (Comelec) para makalahok sa plebisito.

ADVERTISEMENT

"Yes" at "No" lang ang isasagot sa balota pero iba-iba ang dami ng tanong depende sa kung saan nakatira ang botante.

Halimbawa, kung taga-ARMM maliban sa probinsiya ng Basilan, isa lang ang kailangang sagutin: "Pabor ka ba na pagtibayin ang BOL?"

Nakasulat sa Filipino ang mga tanong, pero may Arabic translation din para sa ilang lugar.

Kung taga-Basilan naman, dalawa ang tanong: "Payag ka ba sa BOL?" at "Pabor ka rin ba na mapabilang ang lungsod ng Isabela sa bagong autonomous region?"

Sa kabuuan, may karagdagang 28 barangay sa North Cotabato ang pinayagan ng Comelec na lumahok sa plebisito sa Pebrero 6.

ADVERTISEMENT

Ang ARMM naman, boboto bilang isang rehiyon o geographical area. Isa ito ngayon sa mga kinukuwestiyon sa Korte Suprema ni Sulu Governor Abdusakur Tan II.

Parte ng ARMM ang Sulu pero giit ng gobernador, dapat bigyan ng pagkakataon ang probinsiya na hiwalay na magpasya kung sasama sa bagong autonomous region.

Bukod kay Tan, may hiwalay na petisyon din ang Philippine Constitution Association kontra sa BOL.


—Ulat ni Christian Esguerra, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.