1 patay, 5 sugatan sa rambol sa bar sa Naga City | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

1 patay, 5 sugatan sa rambol sa bar sa Naga City

1 patay, 5 sugatan sa rambol sa bar sa Naga City

Rizza Mostar,

ABS-CBN News

Clipboard

NAGA CITY -- Patay ang supervisor ng isang bar habang sugatan ang limang iba pa sa isang rambol sa Barangay Sta. Cruz, Naga City madaling araw ng Linggo.

Nagsimula ang rambol sa loob ng isang maliit na bar sa Barlin Street. Umabot hanggang kalsada ang away.

Marami ang nakakita sa dalawang lalaki na sinusuntok ang isa pa na nakabagsak na sa kalsada.

Kinilala ang dalawang lalaki na sina Aladino Fernandez at Joshua Francisco, mga waiter ng bar.

ADVERTISEMENT

Nagsimula umano ang away nang hindi nila pagbigyang umorder pa ang limang magkakasamang customer.

Dead on arrival naman sa ospital si Jeric Recasio, supervisor ng bar. Sinaksak ito sa leeg sa loob ng banyo.

Sinundo ng pulisya sa ospital ang tatlo sa limang customer para imbestigahan.

Sugatan ang mga ito pero nakatakas ang dalawa nilang kasamahan na parehong babae.

Isa sa kanila ang positibong itinuro ni Francisco na siyang sumaksak kay Recasio.

Tumanggi ang tatlo na magbigay ng pahayag sa insidente.

Ilang insidente na ng rambol ang naitala sa mga inuman sa lugar. Ang ilan dito, walang mga guwardiya o CCTV, ayon sa mga pulis.

Sa tulong ng mga testigo sa pangyayari, kakasuhan ng physical injuries, malicious mischief, estafa at murder ang tatlong magkakapatid na customer.

Nakahanda naman umano silang magsampa ng kontra demanda.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.