Tugon sa ECQ: Barangay sa Tuguegarao City, nagpapahiram ng bisikleta sa mga residente | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Tugon sa ECQ: Barangay sa Tuguegarao City, nagpapahiram ng bisikleta sa mga residente

Tugon sa ECQ: Barangay sa Tuguegarao City, nagpapahiram ng bisikleta sa mga residente

ABS-CBN News

Clipboard

Nagpapahiram ng bisikleta ang Barangay Annafunan East at Sangguniang Kabataan para sa mga residenteng kakailanganing lumabas ng bahay para bumili ng essential goods habang nasa ilalim pa rin ng enhanced community quarantine ang Tuguegarao City. Larawan mula sa Barangay Annafunan East

Nakaisip ng paraan ang Sangguniang Kabataan ng Barangay Annafunan East sa Tuguegarao City, Cagayan upang makatulong sa mga residenteng mangangailangan ng transportasyon habang umiiral ang enhanced community quarantine sa lungsod.

Ang pagpapahiram ng bisikleta ang natukoy nilang ligtas na paraan para magamit ng mga residenteng lalabas ng bahay para bumili ng pagkain, gamot at iba pang essential needs.

Sa ilalim ng ECQ, mahigpit na ipagbabawal ang operasyon ng mga pampublikong transportasyon.

Ayon kay SK Chairman Gerald Valdez, nagtakda sila ng mga panuntunan sa pagpapahiram ng bisikleta, gaya ng dapat ay authorized person outside residence o APOR ang gagamit nito at mayroon din itong COVID Pass.

ADVERTISEMENT

Dahil limitado lamang ang bilang ng bisikleta, lilimitahan din ang oras ng paggamit nito at bawal itong gamitin bilang service papuntang trabaho.

Sisiguraduhin din ng humiram sa bisikleta na na-disinfect ito bago isauli sa barangay hall.

Magtatagal ang implementasyon ng ECQ sa Tuguegarao City nang 10 araw simula ngayong Miyerkoles, Enero 20.

Umakyat na sa 1,009 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa lungsod, kung saan, 233 dito ay itinuturing na active cases.

- Ulat ni Harris Julio

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.