Hinihinalang rebelde patay sa engkwentro sa Masbate

ABS-CBN News

Posted at Jan 20 2021 11:00 PM

Isang hinihinalang miyembro ng komunistang grupo ng mga rebelde ang napatay nang maka-engkwentro nila ang militar sa mga bayan ng Mandaon at Baleno Masbate nitong Miyerkoles ng madaling-araw.

Sa report na ipinalabas ng 9th Infantry Division ng Philippine Army, nagsagawa ng hot pursuit operation ang mga militar sa lugar matapos ang pamamaslang ng mga hinihinalang rebelde sa dalawang opisyal ng Barangay sa Cabas-an Aroroy, Masbate noong Martes.

Dalawang M-16 rifles, anti-personnel mines, medical paraphernalia, umano'y terrorist propaganda materials at iba pang personal na gamit ang narekober ng mga militar sa pinangyarihan ng engkwentro.

Nitong Linggo, tatlong sundalo ang namatay sa Legazpi City matapos tambangan ng mga hinihinalang rebelde.--Ulat ni Karren Canon

RELATED VIDEO

Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.