2 sugatan sa pagsalpok ng jeep sa traffic island sa QC | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
2 sugatan sa pagsalpok ng jeep sa traffic island sa QC

Arra Perez,
ABS-CBN News
Published Jan 20, 2018 09:34 AM PHT

Pampasaherong jeep, sumalpok sa traffic island matapos umanong harangan ng isang kotse sa Quezon City @DZMMTeleRadyo pic.twitter.com/5ld6VV0zo6
— Maria Arra Perez (@arraperezDZMM) January 19, 2018

Sugatan ang dalawang pasahero matapos sumalpok ang kanilang sinasakyang jeep sa isang traffic island sa Aurora Boulevard, Quezon City Sabado ng madaling araw.

Ayon sa jeepney driver na si Larry Silbosa, binabagtas niya ang Aurora Boulevard papuntang Cubao nang biglang sumulpot ang isang kotse.

Hindi umano siya pinagbigyan ng driver ng kotse kaya't hindi na niya na-control ang pagpreno, dahilan ng pagkabangga nito sa traffic island bago mag-alas-4 ng madaling araw.

Ganito rin ang kuwento ng mga pasahero ng jeep, na agad dinala sa ospital matapos magtamo ng minor injuries.
Ganito rin ang kuwento ng mga pasahero ng jeep, na agad dinala sa ospital matapos magtamo ng minor injuries.
ADVERTISEMENT
Tindahan sa tapat ng pinangyarihan ng aksidente, ninakawan umano ng hindi bababa sa P10,000 pic.twitter.com/3ZCoF1SCqL
— Maria Arra Perez (@arraperezDZMM) January 19, 2018
Tindahan sa tapat ng pinangyarihan ng aksidente, ninakawan umano ng hindi bababa sa P10,000 pic.twitter.com/3ZCoF1SCqL
— Maria Arra Perez (@arraperezDZMM) January 19, 2018
Sa tapat mismo ng pinangyarihan ng aksidente, isang karinderya naman ang ninakawan ng hindi pa nakikilalang salarin.

Ayon sa kusinera na si Lilibeth Labtic, papasok na sana siya nang madiskubre ng kaniyang kasamahan na bukas ang bintana ng kanilang karinderya.

Dito na tumawag ng mga pulis si Labtic at nang pasukin nila ang karinderya, nakita nilang nalimas na ang laman ng kanilang kaha na aabot sa mahigit P10,000.

Kita sa CCTV footage na kuha sa lugar ang paglilihis sa direksyon ng camera upang hindi makuhanan ang suspek.

Iniimbestigahan na ng Quezon City Police Station 7 ang naturang insidente.