89 barangay chairpersons na sinuspinde ng Ombudsman, pinangalanan ni Duterte | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
89 barangay chairpersons na sinuspinde ng Ombudsman, pinangalanan ni Duterte

Joyce Balancio,
ABS-CBN News
Published Jan 19, 2021 01:31 AM PHT
|
Updated Jan 19, 2021 04:04 AM PHT

MAYNILA - Muling nagbanggit si Pangulong Rodrigo Duterte ng mga pangalan ng mga nasa gobyerno na sangkot umano sa mga anomalya at korapsyon.

Sa kaniyang public address Lunes ng gabi, tinukoy niya ang nasa 89 na barangay chairpersons na pinatawan ng preventive suspension ng Office of the Ombudsman dahil sa anomalya sa pamamahagi at pagpapatupad ng social amelioration program.

Dahil aniya ito sa reklamong malversation of public funds.

"Itong mga barangay captain I warned you, pag-umpisa pa lang sinabi ko, do not f*** with this Pantawid, iyong panahon ng COVID na namigay ng gobyerno ng pera para sa mahihirap. Sinabi ko na lalo na sa barangay level, huwag na huwag ninyo gawin. Now, ito suspendido for six months, then mag-hearing sa kaso mo. If a case is filed against you kasi pera ito, either pera na binulsa ninyo or hindi ninyo ginamit o ano mang kabulastugan na ginawa ninyo sa pera, contrary to my injunction na huwag na huwag ninyo gawin iyan," ani Duterte.

Pakiusap ng pangulo kay Ombudsman Samuel Martires na tanggalin sa puwesto ang mga ito kapag napatunayang nasangkot sa korapsyon.

“Ito preventive lang ito, suspendido kapag iniimbestigahan ka, but at the end of the investigation if you are good then you are exonerated. But if you are guilty I ask, I am asking requesting, most respectfully requesting the Ombudsman to dismiss them from service... when they are finally dismissed, it will always carry, it will be accompanied by the statement that they are no longer eligible for public office, iyan ang masakit diyan. Hindi ka na puwede tumakbo maski water boy sa barangay niyo," ani Duterte.

Muling nagbabala ang Pangulo sa mga alklade na huwag masasangkot sa korapsyon dahil papanagutin sila ng gobyerno.