Gumamit umano ng gillnets ang dalawang mangingisda sa Iloilo River. Batay sa City Fishery ordinance, ang pangingisda sa Iloilo River ay bawal maliban lamang sa sports fishing. Larawan mula sa Iloilo City Agriculturist Office
ILOILO CITY - Huli ang dalawang mangingisda matapos magsagawa ng joint operation ang Office of the City Agriculturist at ang Philippine Coast Guard laban sa ilegal na pangingisda sa Iloilo River, Martes ng umaga.
Ang mga mangingisda ay hinuli matapos gumamit umano ng ipinagbabawal na gillnets sa pangingisda malapit sa Diversion bridge, ala-1:30 ng madaling araw.
Tinatayang walong kilo ng isdang katulad ng kikiro, saguisi, lukon, tilapia at bangus ang nakita sa kanilang bangka.
Ayon sa City Fishery ordinance, ang pangingisda sa Iloilo River ay bawal, maliban sa sports fishing.
- Ulat ni Rolen Escaniel
RELATED VIDEO:
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
illegal fishing, Iloilo, Tagalog news, Regional news, pangingisda, regions, Iloilo River