Pulisya, may lead na sa pagpatay sa babaeng natagpuan sa kotse sa Las Piñas | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pulisya, may lead na sa pagpatay sa babaeng natagpuan sa kotse sa Las Piñas

Michael Joe Delizo,
ABS-CBN News
Published Jan 18, 2023 02:45 PM PHT

MAYNILA — May lead na ang pulisya sa suspek sa pamamaslang sa isang babae na natagpuan sa loob ng abandonadong kotse sa Las Piñas City, ayon sa pulisya.

Ayon kay Gladys Biare ng Las Piñas City police station Intelligence section, may mga nakalap nang kuha ng CCTV ang pulisya pero tumanggi muna siyang magbigay ng detalye.

Patuloy aniya ang imbestigasyon, partikular ang backtracking sa mga rutang dinaanan o pinanggalingan ng babe bago siya natagpuan sa crime scene.

Natagpuan nitong Martes na may tama ng bala sa ulo ang biktima habang nakaupo sa loob ng sasakyan na iniwan sa bahagi ng C-5 Extension.

“We found out na 'yung victim nasa loob habang naka-on pa 'yung makina... Tiningnan ko agad 'yung gasolina, halos wala nang laman so more or less matagal na doon naka-park. Nakita namin na may mga dugo siya sa ulo tsaka sa flooring,” saad ni Las Piñas City police chief Col. Jaime Santos.

Nakuha sa crime scene ang basyo ng bala, na ayon kay Santos ay posibleng galing sa 9-millimeter pistol, at ang slug o tingga sa flooring ng driver’s seat.

“Ni-reconstruct namin mismo 'yung area at lumalabas na bumaba muna 'yung driver bago siya binaril. Ang tama niya kasi sa ulo,” ayon kay Santos.

Ayon sa pulisya, ang 29-anyos na babaeng biktima ay isang skincare specialist na residente ng Tondo, Maynila.

Samantala, nakuhaan na ng pahayag ng Las Piñas police ang may-ari ng sasakyan kung saan natagpuan ang biktima.
Samantala, nakuhaan na ng pahayag ng Las Piñas police ang may-ari ng sasakyan kung saan natagpuan ang biktima.
ADVERTISEMENT
Ayon sa pahayag ng may-ari ng sasakyan, Disyembre 26 pa nawawala ang kanyang TNVS na sasakyan dahil kinuha ito ng kanyang kapatid na lalaki.

Pinahiram niya sa kapatid ang sasakyan para magkaroon ito ng pangkabuhayan.

Mula noon ay hindi na niya nakita ang sasakyan na pinamamasada ng kanyang kapatid.

Sinabi rin nito na minsan na ding nakulong ang kapatid matapos masangkot sa illegal na droga at panghoholdap.

Patuloy ang paghahanap ng pulisya sa kapatid ng may-ari ng sasakyan.
Patuloy ang paghahanap ng pulisya sa kapatid ng may-ari ng sasakyan.
ADVERTISEMENT
“Siya ang magpapatunay sa sarili niya kung malinis ang konsensya niya, humarap siya para makita niya kung ano talaga nangyari, siya makapag-explain,” sabi ng may-ari ng sasakyan.