Bangkay ng babae natagpuan sa abandonadong kotse sa Las Piñas | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Bangkay ng babae natagpuan sa abandonadong kotse sa Las Piñas

Johnson Manabat,
ABS-CBN News
Published Jan 17, 2023 04:38 PM PHT
|
Updated Jan 17, 2023 09:07 PM PHT

MAYNILA (UPDATE) — Natagpuan ngayong Martes ang bangkay ng isang babae sa loob ng abandonadong kotse sa Las Piñas City, ayon sa pulisya.

Ayon kay Las Piñas City Police chief Col. Jaime Santos, isang guwardiya ang unang nakapansin sa abandonadong sasakyan sa lugar.

Sa inisyal na imbestigasyon, may tama ng bala ng baril sa ulo ang biktima.

“We found out na 'yung victim nasa loob habang naka-on pa 'yung makina... Tiningnan ko agad 'yung gasolina, halos wala nang laman so more or less matagal na don naka-park. Nakita namin na may mga dugo siya sa ulo tsaka sa flooring,” sabi ni Santos.

Nakuha sa crime scene ang basyo ng bala, na ayon kay Santos ay posibleng galing sa 9-millimeter pistol, at ang slug o tingga sa flooring ng driver’s seat.

“Ni-reconstruct namin mismo 'yung area at lumalabas na bumaba muna 'yung driver bago siya binaril. Ang tama niya kasi sa ulo,” ayon kay Santos.

Sabi ni Santos, ang 29-anyos na babaeng biktima ay isang skincare specialist na residente ng Tondo, Manila.

Naipaalam na rin aniya nila sa kamag-anak ng biktima ang nangyari.

Nakipag-ugnayan na rin ang Las Piñas City Police sa Land Trasportation Office kaya natunton ang orihinal na may-ari ng kotse, pero naibenta na umano ito sa iba kaya inaalam ngayon ng mga imbestigador kung sino ang huling nag may-ari ng sasakyan.

Ayon kay Santos, nawawala ang cellphone ng biktima kaya kasama sa mga anggulong tinitingnan nila ngayon na posibleng motibo sa krimen ay robbery. Posible rin aniyang may mas malalim pang motibo ang suspek.

Dagdag pa ng pulisya, walang CCTV sa lugar kung saan natagpuan ang abandonadong sasakyan. Nagsasagawa na rin sila ng backtracking sa mga rutang dinaanan o pinanggalingan nito bago ito natagpuan sa crime scene.

RELATED VIDEO
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT