Jiro Manio kinasuhan ng frustrated homicide | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Jiro Manio kinasuhan ng frustrated homicide

Jiro Manio kinasuhan ng frustrated homicide

Arra Perez,

ABS-CBN News

 | 

Updated Jan 18, 2020 08:13 PM PHT

Clipboard

Ayon sa testigo, tila nakursunadahan lang si Manio na humantong sa gulo

MAYNILA (UPDATE)—Sinampahan ngayong Sabado ng kasong frustrated homicide ang dating aktor na si Jiro Manio matapos umanong manaksak sa Marikina City.

Papunta sa bahay ng kaibigan ang biktimang si Zeus Doctolero, 25, nang bigla siya umanong atakihin ni Manio, 27, sa may Barangay San Roque, ayon sa imbestigasyon ng Marikina police.

Bigla raw bumunot si Manio, na nagtatrabaho bilang helper sa isang kainan, ng kutsilyo saka sinaksak nang 3 beses ang biktima.

Isinugod sa ospital si Doctolero matapos magtamo ng mga saksak sa likod at ulo.

ADVERTISEMENT

Pero ayon sa testigo na si Remi Perez, nakursunudahan lang umano si Manio. Aniya, paikot-ikot sa parkeng pinangyarihan ng insidente si Doctolero habang si Manio naman ay naglalakad lang din palapit sa grupo ni Perez na noo'y nag-eensayo.

"Bigla na lang niyang (Doctolero) hinampas ng helmet 'yung nakasalubong niyang lalaki, [na] 'yun pala si Jiro. Tapos nagpang-abot sila, [at] nagsuntukan na po sila no'n," ani Perez.

Saad ni Perez, naawat na ang dalawa pero hinabol pa ni Doctolero si Manio para saktan ulit.

"Akala namin tapos na. Paalis na si Jiro, dumudugo na nga po ilong ni Jiro. Pag-alis ni Jiro, hinabol po siya ng lalaki, hinampas ng helmet sa likuran ng ulo. Sumubsob si Jiro. Pinapalo po siya ng lalaki," ani Perez.

Dito na umano dumampot si Manio ng bagay, isang kutsara, at humabol sa lalaki sa isang carinderia.

"Pagpasok ko ng carinderia, d'un ko na nalaman na si Jiro 'yung napapaaway. Sabi ko kay Jiro, 'Tol, baba mo na 'yan.' Binigay sa'kin ni Jiro. Kutsara talaga 'yun, hindi kutsilyo," ani Perez.

Giit ng testigo, hindi sila pamilyar kay Doctolero, na sinasabing nakainom pa.

Tumanggi namang humarap sa camera si Doctolero.

Ayon sa live-in partner ni Manio na si Karen Macalino, pinag-aaralan na nila ang kanilang susunod na hakbang, kabilang ang pagsasampa ng counter-charge.

Nakilala si Manio sa kaniyang pagganap sa pelikulang "Magnifico" noong 2003, na naging daan para manalo siya sa mga prestihiyosong award show gaya ng FAMAS Award at Gawad Urian Award.

Tampok din si Manio sa mga pelikulang "Anak" at "Ang Tanging Ina."

Taong 2017 nang maiulat na lumabas ng rehabilitation center si Manio, 2 taon matapos siyang makitang nagpapalaboy-laboy sa may Ninoy Aquino International Airport.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.