Tulay sa South Cotabato, bumagsak dahil sa baha | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Tulay sa South Cotabato, bumagsak dahil sa baha

ABS-CBN News
Published Jan 17, 2023 04:48 PM PHT

MAYNILA -- Bumagsak ang tulay sa Purok Riverside, Brgy. Tubi-ala, Surallah, South Cotabato nitong Lunes, Enero 16.

Ayon kay Suralla Mayor Pedro Matinong Jr., matagal nang may problema ang tulay kaya nilagyan na nila ng boulders o malalaking bato para pansamantalang magamit pa ito.

Ang problema aniya, tuluyan nang bumagsak ang dulo ng tulay dahil sa lakas ng agos ng baha sa lugar bunsod ng low pressure area sa Mindanao.

Makikita sa mga kuhang video at larawan na padala ni Bayan Patroller Romar Oreta De Jesus ang bumagsak na tulay. Kita rin sa video na nagagamit pa rin ng mga tao ang tulay sa pansamantalang maliit na steel bridge na ayon kay Mayor Matinong ang pinalagay niya para pansamantalang madaanan ng mga residente.

Ayon kay Matinong, naglaan na ang provincial government ng P8 milyon at ang municipal government ng P2 milyon para sa pagpapaayos ng nasabing tulay. Pansamantala aniyang sarado ang tulay sa mga sasakyan.