Halaga ng pinsalang dulot ng lindol sa Leyte, umabot sa higit P30 milyon | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Halaga ng pinsalang dulot ng lindol sa Leyte, umabot sa higit P30 milyon

ABS-CBN News
Published Jan 17, 2023 03:12 PM PHT

Umabot na sa tinatayang P30.3 milyon ang halaga ng pinsalang idinulot ng magnitude 5.3 na lindol na yumanig sa bayan ng Leyte, Leyte.

Pero ayon sa municipal disaster officer na si Rafael Lucban, puwede pang madagdagan ang halaga ng pinsala dahil patuloy ang assessment ng lokal na pamahalaan.

Kabilang sa mga nasira ang ilang gusali ng mga paaralan. May 2 school building ang Baco Elementary School na idineklara na ng municipal engineer na kailangan nang o-demolish dahil hindi na ligtas gamitin.

May ilang school buildings at classrooms din na hindi muna pinapagamit habang hindi pa naipapaayos.
May ilang school buildings at classrooms din na hindi muna pinapagamit habang hindi pa naipapaayos.
ADVERTISEMENT
Nakikipag-unayan na umano ang lokal na pamahaal sa Department of Education ukol dito.

Mula sa 8, umakyat naman sa 15 ang bilang ng mga nasugatan dahil sa lindol.

Isa lang sa mga nasugatan ang nasa ospital habang ang ibang nagtamo ng minor injuries ay nagpapagaling sa kanilang mga bahay.

Umabot sa 352 bahay ang bahagyang napinsala, habang 13 naman ang nawasak.

— Ulat ni Sharon Evite
RELATED VIDEO
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT