Magnitude 5.3 na lindol, nag-iwan ng pinsala sa Leyte | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Magnitude 5.3 na lindol, nag-iwan ng pinsala sa Leyte

ABS-CBN News
Published Jan 16, 2023 02:58 PM PHT
|
Updated Jan 16, 2023 09:13 PM PHT

MAYNILA -- Walong tao ang nasugatan sa magnitude 5.1 na lindol na tumama Linggo ng gabi sa bayan ng Leyte sa lalawigan ng Leyte.

Ayon sa inisyal na impormasyon mula sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng Leyte, ang mga nasugatan ay nabagsakan ng mga natumbang debris dahil sa lindol na naitala pasado alas-8 ng gabi.

Sa isinagawang assessment ng MDRRMO, nakitang nagkaroon ng mahabang bitak ang kalsada sa bahagi ng Barangay Ugbon.

May bitak rin sa dingding ng barangay hall sa Barangay Consuegra.
May bitak rin sa dingding ng barangay hall sa Barangay Consuegra.
ADVERTISEMENT
Bumagsak naman ang ilang bahagi ng fiber cement board na kisame ng isang simbahan. Nasira rin ang isang poste nito. Pati imahe ng Sto. Niño, nahulog sa pagyanig.

Dahil sa takot sa malakas na pagyanig, naglabasan sa kani-kanilang mga bahay ang mga tao.

Sa Barangay Libas, bumigay ang ilang bahagi ng kongkretong dingding sa banyo ng bahay ni Mabel Puasa.

Nahulog din ang ilang mga paninda sa kanilang tindahan.

Ibinahagi ni Konsehal Alex Ariza ang pagbagsak ng mga bote ng softdrinks sa isang imbakan sa nasabing bayan.

Ayon pa kay Ariza, nagkaroon din ng rockslide sa Barangay Palid 1. May mga bumigay ring bahagi ng kongkretong dingding sa Barangay Belen at Barangay Libas.

Ayon sa impormasyon mula sa MDRRMO, suspendido ang klase ng mga estudyante sa lahat ng antas at pasok sa trabaho ngayong Lunes para bigyan daan ang assessment sa buong bayan.

Sa bulletin ng Phivolcs, naitala ang sentro ng lindol, na may lalim na isang kilometro, sa Leyte, Leyte at tectonic ang origin nito.

Naitala ang Intensity III sa Alangalang, Carigara, Babatngon, Barugo, Tacloban City, at Ormoc City, Leyte.

Naitala din ang Instrumental Intensity IV sa Carigara, Leyte; Intensity III sa Alangalang at Ormoc City, Leyte; Intensity II sa Calubian, Albuera, Leyte at Intensity I sa Borongan City, Eastern Samar at Bogo City, Cebu.

Ayon sa Phivolcs, maaaring magkaroon ng aftershocks ang lindol.

-- ulat nina Ranulfo Docdocan at Sharon Evite
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT